MAHAHALATA
sa mukha ni Bong ang tuwa ngunit may kahalong pagtataka. Tama ba ang narinig
niya, si Nini, nag-aayang mag-night swimming? Pero lilinawin niya.
"Subalit kailan? Alam mo namang
may cold war pa kami ni Jean eh," ani Bong.
"Ngayon!" matunog na sabi
ni Nini. "At saka puwede naman ng tayong dalawa lang ah, 'di ba?"
Naunawaan ni Bong si Nini.
Bakit kaya ganoon ang inaasal ni
Nini? May pagtingin din kaya ito sa kanya katulad ng pagtingin niya dito,
naitanong niya sa sarili. Pagkakataon na niya upang makaulayaw kahit na minsan
lang si Nini, naisip niya. Hindi na niya palalagpasin pa ang pagkakataon.
"Oo nga, masarap maligo
ngayon," patay malisyang sabi ni Bong.
"Then let's go!" Sabi ni
Nini. Nagagalak.
"Pero--- baka hanapin ka sa
inyo?"
"Wala sila ngayon nasa Manila,
bukas pa uuwi. Ako nga lang ngayon sa bahay eh. Ang kasama ko lang doon ay si
Becca, katulong namin," may pagkasuyang sabi ni Nini.
Napatango-tango si Bong,
"Ganoon ba?"
"At least dito, may konting
happenings," patuloy pa ni Nini.
"Sabagay.....," ayuda ni
Bong.
"Ikaw nga d'yan eh, baka
hinahanap ka na ng Nanay mo, baka padededehen ka na niya," mapang-alaskang
sabi ni Nini.
"Ako pa! Laki sa layaw,"
tugon naman ni Bong. Sabay tawa.
Nagrenta sila ng cottage for two
persons, umorder sila ng barbeque sticks at ilang boteng beer sa restoran.
Nagrenta rin sila ng swim suit.
Lihim na nagpareserba si Bong ng
isang candlelight dinner na ipinahanda niya sa loob ng private cottage na
inupahan nila habang naliligo sila ni Nini.
Sa gilid ng swimming pool ay may
nakalatag silang malaking sapin, parang karpet. Nakakaubos na si Bong ng
dalawang boteng beer at ilang duro ng barbeque.
"Nini, masasayang itong lamig
ng beer oh," alok ni Bong.
"No thanks, hindi ako sanay d'yan
eh," ani Nini.
"Oh come-on Nini. Wala namang
masama kung ita-try mo. Hayan lang naman sa malapit ang bahay n'yo at ihahatid
naman kita kung malasing ka man," esplika ni Bong.
"Okay, you win." At inabot
ni Nini ang beer sa kamay ni Bong pag-ahon niya sa tubig. Nag-aalanganin pang
lunukin. "Wala bang straw or baso?"
"Mas masarap nga kapag
tinutungga eh, mas feel," ani Bong.
Napakibit balikat ang dalaga at
kumindat, nakangiti pa, sabay tungga sa beer. Napapikit siya sa nalasahang
pait. Nakatingala.
Pinagmasdan ni Bong ang anyo ni
Nini. Napangisi siya sa hitsura ng dalaga. Bumaba sa dibdib nito ang mata niya.
Nagmasid. Napalunok siya ng titigan ang malulusog na kalamnan ng dibdib nito.
Pakiramdam niya ay naglalaway siya. Nakadek'watro pa ng upo iyon sa sapin nila,
nakaliyad pa ng kaunti. Humagod pa ang tingin niya pababa, sa pusod, sa puson
at sa----.
Ah! Nakakagigil ka Nini, naianas ni
Bong sa sarili.
Nakatatlong lagok naman si Nini sa
ininom pagkaraan ay ngumiti pero bakas pa rin sa mukha niya ang anyo ng
napaitan sa alak. Ibinaba niya ang bote sa lapag. "Ayos!" Kumuha siya
ng isang tuhog ng barbeque at kinain.
Habang ngumunguya ang dalaga,
"Bong pakimasahe naman ang likod ko oh," aniya at dumapa sa sapin,
iniabot kay Bong ang biniling lotion sa guest supply.
Tinutukso ba ni Nini si Bong o ano?
Nandumilat ang mga mata ng binata.
Nanginginig-nginig ang mga kamay na inabot ang lotion. Hindi pa man niya
nahihipo ang malambot na katawan ni Nini ay nalalaglag na ang ganggamunggong
pawis na buhat sa kanyang noo.
Sino ba namang lalaki ang hindi
matataranta sa anyong iyon ng dalaga na kapag nakatalikod sa titingin ay
mapagkakamalan siyang si Ruffa. Lalo pa't ang soot niya ay two-piece lang at sa
gayong ayos kikilalanin, nakadapa. Animo siya nagsa-sun bathing kung naging
araw lang ng gabing iyon.
Sa bawat hagod ng himas ni Bong sa
likod ng dalaga ay dama niya ang pag-ungol nito.
"Ooohh..., ganyan.... Sige
pa.....," padaing na anas ni Nini na lalong nagpainit sa katawan ni Bong.
Sa hindi sinasadyang pangyayari,
nasaling ni Bong ang terintas ng bra ni Nini. Nakalag. Buti na lamang at
nakadapa ito sa sapin. Isa pa ay medyo lasing na rin si Nini kaya medyo
inaantok-antok na. Kanina kasi ay tumungga uli ng alak habang nakadapa.
Pagkaubos ng isa ay nakakalahati pa.
Humiwalay ang kapirasong saplot ni
Nini sa kanyang dibdib. Nasisilip ng binata ang kalamnan sa gilid niyon. Buti
na lamang at nakakapagpigil pa si Bong, gusto na kasi niyang daklutin iyon.
Ang ginawa ng binata ay ibinalik
muli ang pagkakatali ng bra na hindi naman napuna ng dalaga.
"Oh, tapos na. Feelin'
better?" tanong ni Bong sa dalaga na nakadapa pa rin. Tumihaya ito at
tumugon sa kanya.
"Oo. Ang sarap-sarap nga
eh," medyo utal nang sabi ng dalaga.
"Mabuti pa siguro'y umahon na
tayo sa cottage. Ano'ng oras na kaya?"
Hinagilap ni Nini ang relos,
"It's only seventherty."
"Ang bagal ng oras ano?"
"Okay lang," sabi naman ni
Nini. Namumungay na ang mata, kung minsan ay nadidighay pa.
Iniligpit na ni Bong ang mga ginamit
nila sa tagpong iyon. Hinakot sa cottage. Pagkaraan ay si Nini naman.
Susuray-suray kung lumakad ang dalaga kaya ang ginawa ni Bong ay inalalayan.
Isinaklalay niya ang isang braso nito sa leeg niya at hinawakan niya sa bewang.
Pagdating nila sa cottage ay siya
namang pagbuhos ng ulan, hindi nila inaasahan. Iniupo ni Bong si Nini sa silya,
siya naman ay sa kabila. Sinindihan niya ang kandila. Tinanggalan niya ng takip
ang kinalalagyan ng mga pagkain (may kaunting kanin, hinilabos na sugpo, isang
buong fried chicken, at iba pang putaheng masasarap. May roon ding isang bote
ng champagne.
Nang nakaayos na ang lahat at handa
nang kumain ang dalawa ay bigla namang nag-brownout. Nakainam naman, napabor
ang kandila.
Sa labas ng cottage ay patuloy pa
rin ang pagbuhos ng manaka-nakang pag-ulan.
Sa loob naman ng puso ni Nini ay
panay ang pagbuhos ng kaligayahan. A candlelight dinner at night swimming na
kapiling ang lalaking pinapantasya, sana'y hindi na matapos ang sandaling iyon,
usal niya sa sarili.
Ngunit sa kabila niyon ay ang mapait
na katotohanan na pansamantala lamang ang sandaling iyon. Alam niya, bukas
pagsikat ng araw ay siya na naman si Nini na naghihintay sa lalaking
pinapangarap niya, ang lalaking ang katangian ay katulad ng kay Bong.
Masaya silang kumain, may biruan pa.
Pagkaraan ay ininom nila ang champagne, inubos nila. Sa mga sandaling iyon ay
kapwa na sila hilo. Maligayang-maligaya si Nini kahit na alam niyang hindi na
mauulit pa iyon.
Kung sakaling may pagkakataon man
upang maulit ay siya na mismo ang aayaw, iiwas siya. Sapagkat alam niyang labag
iyon sa kalooban ng pinsan niya, si Jean, ang tunay na nagmamay-ari ng puso ni
Bong. Panigurado niya, magagalit sa kanya ang pinsan. Inaalala pa niya, baka
sabihing sinasamantala niya ang pagkakataon habang desperado si Bong.
"Ah! mano ba. Basta maligaya
ako. Siya kasi eh, binibigyan niya ng sama ng loob ang nobyo niya. Lumapit sa
akin itong tao at naghahanap ng katahimikan, eh 'di binigyan ko naman, may
masama ba doon? Kung magagawa ko nga lang na paligayahin ito eh 'di ginawa ko
na!" ibinubulong ni Nini sa kanyang sarili habang pinagmamasdan ang anyo
ng binata.
"Gusto ko nang umuwi,
Bong."
"Nagpapatawa ka. Nakita mo'ng
ang lakas-lakas ng ulan sa labas eh..."
Tumayo si Nini sa silya at lumakad
pero hindi makapanimbang, sumusuray.
"'Kita mo na? 'Ni lakad nga ay
hindi ka makalakad, nagyayaya ka pang umuwi n'yan," patuloy pang sabi ni
Bong. Nilapitan si Nini at binukat, ibinaba sa kama. Hindi bumitaw ang dalaga
sa pagkakakapit sa bisig niya kaya kasama siyang nalapag sa higaan. Nadaganan
niya ito.
Ano ba't ng madaite ang katawan ni Bong sa katawan ni Nini ay
nag-init ang katawan niya. "Mabuti pa siguro ay patilain muna natin ang
ulan, tutal ay maaga pa naman, patay malisya niyang sabi."
Tumango naman si Nini. Nakangiti,
namumungay ang mga mata. "Bong, maganda ba ako?" Nakakapit pa rin sa
batok ni Bong ang mga braso ng dalaga.
"Oo naman siyempre." Hindi
alam ni Bong ang gagawin, sasamantalahin ba niya ang pagkakataon? Parang
nakukunsensiya siya dahil alam niyang wala sa katinuan ang dalaga sa mga
sandaling iyon. Tulad niya, napapaimbulohan din ng espiritu ng alak ang kanyang
isipan ng mga oras ding iyon kaya hindi siya masisisi kung madarang man siya sa
apoy ng pagnanasa!