Bakit Kailangan Pang Magmahal Ng Iba?
CHAPTER 10

PAGHULAGPOS NG DAMDAMIN

AGAD sinunggaban ni Bong ng nag-aalab na halik ang mga labi ni Nini. Hindi na nakuha pang magsapita ng dalaga, iyon ang hinihintay niya kanina pa. humigpit ang yakap niya kay Bong. Napapahalinghing siya sa bawat hagod nito sa iba-ibang parte ng katawan niya na lalo namang ikinasabik ng lalaki.

            Alam ni Bong ang weakness ng isang babae pagdating sa ganoong bagay. Napatunayan niya iyon kay Jean na sa tuwing sisiilin niya ng madarang na halik sa tenga pababa sa leeg ay nasasambit ang lahat ng Santo. Doon pa lang 'yon, eh 'di lalo na kung bumaba pa sa bukal ng ligaya. Isa ito sa maraming paraan na alam ni Bong sa pagpapaligaya ng isang minamahal.

            Lalong lumakas ang buhos ng ulan ng mga sandaling iyon, nagngangalit ang dagundong ng hangin. Kapwa talop na ang dalawa na kasalukuyang nasa kainitan ng kanilang pagsasalo sa ligaya. Kasabay ng matinding pagpatak ng ulan sa bubungan na nakabibingi ang kalapak at kasabay ng isang dumadagundong na kulog ang pagsigaw ni Nini sa kadahilanang napagtagumpayan ng binata na basagin ang kanyang iniingatang kristal. Naluha ang dalaga. Nagulat naman ang binata, hindi niya kasi akalaing siya ang una.

            Ngunit tila hindi pa sapat ang nangyari sa kanilang dalawa, ngayon pa lang naunawaan ni Nini ang tunay na kahulugan ng kaligayahan sa kandungan ng isang makisig at matipunong lalaki. Naulit pa ng dalawang beses iyon.

            At simula sa ikalawa hanggang sa panghuling pagniniig, kung napasigaw man muli ang dalaga ay dahil na sa nadama niyang kaligayahan. "Bong...., I love you......." padaing niyang sabi.

            "I love you din, Nini....," naianas din ni Bong ng sabay nilang marating ang alapaap.

            Pagkatapos, sa pagod ay naidlip sila. Hapong-hapo si Bong ngunit kay sarap ng pakiramdam niya, dama pa niya ang kandungan ng dalaga.

            Kalaliman na ng gabi, bandang alas-dies na noon, nagising si Nini. Wala na ang malakas na ulan. Itinapis niya ang kumot at sumilip siya sa bintana, wala na siyang nakitang tao na naglipana sa labas. Ibinaling niya ang tanaw kay Bong na himbing na himbing sa pagkakatulog. Naalala niya sa bahay, baka tumawag ang mga magulang niya, naku patay! itatanong siya sa maid nila.

            Lalo pang kinabahan si Nini ng tingnan ang oras sa kanyang relo. Dali-dali siyang nagbihis. Gigisingin si Bong. Nilapitan. Ngunit ano itong nadarama niya? Hindi niya mahipo ang binata, nahihiya yata siya. Sa nangyari?

            Ngayon ay nagbalik muli si Nini sa normal niyang pag-iisip at inungkat niya dito ang nangyari sa kanila kanina. Napayuko siya. Naupo sa kama at humagulgol ng iyak at dahil doon ay nagising si Bong, narinig siya.

            Bumangon si Bong at tumabi sa dalaga. Hindi alintana ang kahubaran ng kanyang katawan. "Bakit, Nini?"

            "Nagkasala ako! Alam kong mabigat ito pero titiisin ko. Alam ko rin na hindi ako mapapatawad ni Jean kapag nalaman niya itong nangyari sa atin gayun din ang mga magulang ko!" Humagulgol pa ng iyak si Nini.

            "Ako man ay nagkasala, sa iyo at kay Jean. Mahal ko siya at mahal din kita, Nini."

            "No Bong! Hindi dapat! Tamana ang minsang pagkakamali."

            Napayuko si Bong, itinakip ang mga palad sa mukha. "What have I done?!"

            "Aaminin ko Bong, oo mahal din kita. Mahal ko rin si Jean. Ayokong masira ang pagsasama n'yo ng dahil lang sa akin."

            "Pero Nini..."

            "I said no! No! Mabuti pang ihatid mo na ako." Matigas ang boses ni Nini, nag-uutos ang tinig. Ipinakita niya kay Bong na matigas ang kanyang loob. Itinigil niya ang pagluha at inayos ang sarili. Pero sa kabila niyon ay binabaha ng hinagpis ang kanyang puso.

            Hinagilap ni Bong ang kanyang damit at nagbihis. Hiyang-hiya siya sa anyo niyang talop na nakaharap sa dalaga.

            Patay malisya namang nakatingin ang dalaga pero sa loob-loob niya, "Kung naging panaginip lang ito'y ayaw ko nang magising pa. Inibig na kita, Bong."

            Walang imikan nang nasa sasakyan na sila hanggang sa bumaba ang dalaga. Ihinatid lang ni Bong ng tanaw si Nini haggang sa makapasok  ito sa gate at umuwi na si Bong.

            Pagdating ni Nini sa loob ng bahay ay naroon ang mga magulang niya sa sala at kanina pa pala naghihintay sa kanya. Nag-isip siya ng alibay. Inayos ang postura. Paglapit ay humalik siya antimano sa mag-asawa.

            "Bakit ngayon ka lang hija?" anang Erpat niya.

            "Gabing-gabi na ah?" Ang Ermat naman niya.

            "Malakas po kasi ang ulan, inabutan ako kina Mika, 'yung kasama ko dito last time. Nagpalipas po muna ako doon."

            "Ah... ganoon ba? Kumain ka na ba?" Ang Erpat niya.

            "Opo, pinakain na ako doon."

            "Ano bang ginawa n'yo at mukhang tatlong beses kang ginahasa ka ng barako?" Siste ng Erpat niya.

            Napalunok siya. Pinagpawisan. "Si Papa naman!" malambing niyang tugon at papadyak na pumanhik sa kanyang kuwarto. "Matutulog na po ako."

            Nagtawanan naman ang mag-asawa sa pag-aakalang napikon ang kanilang anak na dalaga. Tama naman sila eh, napikon nga. Pero sa kadahilanang totoo nga ang sinabi nila.

            Sa loob ng kuwarto ay nagkamukmok si Nini sa kama. Alas-dose na ng hatinggabi ay gising pa rin siya. Mugto ang mata kaluluha. Sinisisi ang sarili. Sa dami ba naman kasi ng lalaki ay si Bong pa!

            "Bakit siya pa?" usal niya sa sarili.

            Sa magdamag na iyon ay isa lang ang pumasok sa isip niya, ang maghugas ng kasalanan kay Jean at tuparin ang ipinangako kay Bong na gagawa siya ng paraan upang magkabalikan ang magnobya. At pagkatapos ay aalis siya, magpapakalayo-layo siya upang limutin ang panandaliang kaligayahang namagitan sa kanila ni Bong, na habang nananariwa sa isipan niya ay pumapait naman sa kanyang puso.



<<<== Previous Chapter  |  Next Chapter ==>>>