Bakit Kailangan Pang Magmahal Ng Iba?
CHAPTER 8

PAGHAHANAP NG SOLUSYON

HANEP din namang magmaneho si Nini, hagibis. Palibhasa ay guwardiyado ng mga magulang, ayaw pagmanehonin ng sasakyan dahil bata pa raw sa eded niyang biente-anyos. Kaya hayun ngayon, sinasamantala ang pagkakataon.

            Sa Long Medow resorts sila nagpunta. Malapit lang sa bahay nina Nini. Doon sila madalas magpunta nina Jean na kung minsan ay kasama pa pati ang kapatid ni Jean na si Marites.

            Hapon na noon, bandang alas-cuatro na.

            "Hindi ka kaya hanapin sa inyo, Nini?" tanong ni Bong sa dalaga. 

"Hindi," nakangiti namang sagot ni Nini. Bumaba sa jeep pagkasabi.

            Naiwan si Bong sa jeep.

            Lalo palang gumaganda si Nini sa paningin ni Bong kapag siya ay nakakainom. Noon lang napansin ng binata ang angking kagandahan ng dalaga.

            Sa soot ni Nini na short at medyo manipis na t-shirt ay banaag ang hubog ng kanyang katawan. Kay kinis ng kanyang hita, bilogan ang mga iyo. At ang balakang, talaga namang nakakagigil.

            Pataas ang paghagod ni Bong ng tingin sa dalaga. Ngayon ay ang dibdib naman ang napagtuunan niya. Kay lusog ng mga iyon, kung baga sa prutas ay hinog na, kung baga sa oras ay panahon na. Ah, tukso lumayo! naianas niya sa sarili.

            Nang mapadako ang tingin niya sa mukha ni Nini ay nagtama ang kanilang titig. Kanina pa pala siya pinagmamasdan ng dalaga, ngumuso iyon. Marahil ay nauunawaan ang isinasaisip niya. Nakaramdam siya ng pagkahiya.

            "Ano? Diyan ka na lang ba?" tanong ni Nini sa binata na nakaupo pa rin sa jeep.

            Humalukipkip pa ang dalaga.

            Nag-aapurang umibis sa sasakyan si Bong. "An'yan na," ang sabi ng nakangisi.

            May restoran doon, pumasok sila at umorder ng meryenda. Si Nini pa ang nagbayad.

            Kakaunti na ang mga tao doon. Malapit nang kumagat ang dilim. Ang dalawa ay malayo sa karamihang kumakain.

            "O ngayon, sabihin mo sa akin ang problema," ani Nini pagkaraang sumimsim sa istro na nasa softdrink niya.

            "Nakakahiya naman sa iyo, pati ikaw ay naaabala pa nang dahil lamang sa aming dalawa ni jean," ani Bong. Nakayuko.

            "Bong, h'wag mo na ako'ng ituring na iba sa iyo. That's what friend are for?" Hinawakan ni Nini ang isang kamay ni Bong na nakapatong sa mesa., tinapik-tapik. Ngumiti pa ang dalaga.

            "Salamat Nini.....," ani Bong. Hinawakan din ng isang kamay pa niya ang kamay ng dalagang nakahawak pang kasalukuyan sa kamay niyang nasa mesa. Nagkatitigan sila. "Sana Nini, hindi ka mawala sa akin. Alam mo, noon pa man ay ang gaan-gaan na ng damdamin ko sa 'yo," sabi pa ng binata, seryoso ang mukha.

            Napabuntong hininga naman si Nini. Nakatingin lang sa binata. Kung tama ang kutob niya, siguro'y may gusto sa kanya si Bong, ang lalaking pinapanaginip niya. Naisip niyang kaya siguro kakaiba ang mga pagngiti nito sa kanya noong mga nakalipas na araw ng huli silang magkita. Kung alam lang din ni Bong, matagal na siyang gusto ni Nini ngunit nahihiya lamang ito sa pinsang si Jean. Ayaw niyang matawag na isang ahas.

            Naputol ang pagpalaot ng isip ni Nini ng magpatuloy pa sa pagsasalita si Bong. Nakinig naman siya.

            "Hindi ko na alam kung ano'ng gagawin ko, Nini. Nahihirapan na ako. 'Yung pinsan mo kasi, ipinagpalit ako sa propesyon niya. Wala siyang mahal kundi ang ambisyon niya."

             Nahabag si Nini sa hitsura ng binata. Ngunit hindi niya sigurado kung awa nga iyon. Minsan, pakiramdam niya ay pag-ibig na ngunit ayaw niyang aminin sa sarili. Minsan ay nasasabi niya sa sarili na kung siya ang naging s'yota ni Bong ay hindi niya ito bibigyan ng sama ng loob kailan man, bagkus ay paliligayahin sa habng buhay.

            Sadyang hanggang sa pangarap lamang yata talaga ang nakalaang kaligayahan sa buhay pag-ibig ni Nini. Kaya siya ay nagtatanong, kailan niya matitikman ang sinasabing ligaya ng pag-ibig sa piling ng isang minamahal.

            Gusto ni Nini ay magkaroon ng pag-asa si Bong. Gusto niyang sumaya ang binata kaya nag-isip siya ng gagawin. Siguro nga ay mahal niya si Bong kaya ayaw niya itong makikita na nalulumbay.

            "Hayaan mo Bong, gagawa ako ng paraan, hindi aalis si Jean, pangako," ani Nini.

            Biglang nagkaroon ng ningning sa mukha ni Bong. Kakikitaan ng pag-asa ang kanyang anyo na nakatingin kay Nini.

            "Talaga?" Magagawa'n mo ng paraan upang mapigilan siya sa pag-alis?" Tanong ni Bong.

            "Lahat ng problema ay may kalutasan, kapag gusto ay may paraan, kapag ayaw ay may dahilan tandaan mo 'yan. Mahal kita Bong---," naitugon ni Nini. "---Ikaw at si Jean, mahal ko kayong pareho dahil kaibigan ko kayo," patuloy pa niya.

            Tama ang sinabing iyon ni Nini pero palusot lang niya iyon sa totoo lang. Nadulas ang kanyang dila at ang sinabi niyang iyon ay nanggaling sa puso bilang isang umiibig. Hindi niya talaga maikaila kaya ngayon ay payag na siyang aminin sa sarili na mahal nga niya si Bong. Ngunit iyon ay mananatiling lihim sa kanya.

            "O ano, may problema ka pa bang iba?" usisa ng dalaga.

            Umiling si Bong.

            "Huwag mo nang problemahin 'yon," anang dalaga.

            "Buti na lamang at may Nini na katulad mo. Paano na kaya ako kung wala ka?" sabi ni Bong. Nakangisi na.

            Natawa rin si Nini. "H'wag mo nga akong dramahan. Ang alinsangan na nga eh---," aniya.

            "Oo nga. Kanina pa 'yang umaga, paggising ko'y ang alinsangan na," pag-ayon naman ni Bong.

            "Speaking of alinsangan, bakit hindi tayo mag-night swimming," mungkahi ni Nini. Sa ilang oras pa lang na pagkakapiling niya kay Bong, pakiramdam niya ay buong araw na niya itong kapiling. At bakit parang gusto niya na hanggang sa buong magdamag ay magkapiling pa rin sila, ewan ba niya.

            Ano bang klaseng karisma mayroon si Bong, naiusal niya sa sarili. Siguro, kung liligaya lamang siya kahit na isang beses lamang sa piling ng binata ay dadamhin niya sa habambuhay. Kung magkagayon man, ang magiging katwiran niya ay natupad naman ang pinapanaginip niya, ang makapiling ng tunay ang lalaking noon pa man ay pinapantasya na niya.



<<<== Previous Chapter  |  Next Chapter ==>>>