"Ang
hirap ng exam, hindi kasi ako nakapag-review ng mabuti kabagi, tuloy, kalahati
lang ang nasagutan ko," panghihinayang ni Nini.
Kadalasan ay
ganoon, hindi niya nasasagutang lahat ang mga tanong kapag may exam sila.
"Buti ka pa Jean, nasagutan mo
palang lahat ang questions. Mukhang nakapag-aral kang mabuti kagabi ah,"
sabi pa ni Nini.
"Hindi naman, natiyempuhan lang
na ang mga itinanong ay ang na-review ko," pagmamatuwid naman ni Jean.
Pauwi na ng tagpong iyon ang dalawa
sa inuupahan nilang kuwarto sa kalye ng Catalu–a malapit sa may hangganan ng
Espa–a. Nabigla si Jean ng makitang nakatayo si Bong sa tapat ng pintuan ng
bahay na tinutuluyan nila. Nakatawa.
Sumiglang bigla si Jean. Sinunggo
niya ng braso sa tagiliran si Nini. Nagkatinginan sila.
"Kanina ka pa?" Usisa ni
Jean sa nobyo ng nakangiti, hindi maitago ang galak.
"Hindi naman, mga isang oras pa
lang," sabay tawa ni Bong pagkasabi. 'Yun ang isa sa mga gusto ni Jean sa
kanya, masaya raw siyang kausap. "Actually, kadadating ko lang din.
Suwerte ko nga at nandito ka na rin, este kayo pala." sabi pa niya ng
titigan si Nini na nakangiti rin naman.
"Mukha nga, pinapawisan ka pa
hanggang ngayon eh," ani Jean na lumitaw ang mapuputing ngipin sa pag
ngiti.
"Ikaw Nini, kamusta ka
na?" bati ni Bong kay Nini ng may matamis na ngiti. Ngumiti lang din ito
at nagkibit balikat. Lihim namang nakaramdam ng pagkayamot si Jean ngunit
nagpatuloy pa rin sa pagngiti.
"Doon tayo sa loob---,"
ani jean. Pumasok sila. Naupo sa sofa. Nagprepara ng meryenda si Nini at naiwan
ang magkasintahan.
May kinuha si Bong sa loob ng dala
niyang paper bag. "Flowers for you my dear," aniya.
Inamoy iyon ni Jean pagkaraan ay
nagpasalamat, "Thank you, how sweet naman," malambing na sabi saka
humalik sa labi ng nobyo.
"Ehem, ehem." Si Nini.
Dala na ang meryenda. "Sorry if I disturbed you, kain muna tayo."
"Uy! my favorite,
salad---," ani Bong. Kitang-kita sa anino niya ang biglang pagsaya. Parang
bata. Malambing kasi si Bong. Kung minsan tuloy ay nagpaparang Ina si Jean na
bine-baby ang nobyo.
"Ako'ng gumawa niyan,"
pagmamagaling ni Nini.
"Really? Nice. Alam mo isang
gusto ko sa babae ay marunong magluto o magprepara ng masasarap na
pagkain." Parinig ni Bong kay Jean. Alam niya kasing wala itong alam sa ganoon
maging sa pagluluto man.
Minsan nga ay naglaga ng itlog ang
dalaga ay nasunog pa. Natuyuan pala ng tubig at hindi nito napansin. Naamoy na
lamang nilang amoy sunog na kaya naalala.
Manipis si Jean. Sa sinabing iyon ni
Bong ay kumunot agad ang noo. Napansin iyon ni Nini at ni Bong man. Alam ni
Bong ang gamot doon, lalambingin lamang niya ito ay ayos na.
"Aba ay atin nang kainin ire at
nasasayang ang lamig," ani Nini kaya nilantakan na nila. Ubos iyon.
"Ang sarap talaga---, wala na
bang kasunod?" usisa ni Bong. Halata tuloy ang katakawan. Nagtawanan naman
ang magpinsan.
Hindi nagtagal, pagkaligpit ng
pinagkainan ay nagpaalam si Nini sa magkasintahan. "Oy! Doon muna ako sa
'taas at may gagawin pa ako."
Bago
tuluyang umakyat si Nini ay sumulyap muna kay Bong. Hanga kasi siya sa porma ng
binata, nakasoot ng longsleeve, itim na sedang pantalon at black leather shoes.
Bagay na hinahangaan niya sa isang binatang may soot ng ganoon.
Tamang-tama naman na siya ring
pagsulyap ng binata. Nagbanggaan ang sulyap ni Bong at Nini. Nagkatitigan sila.
Unang umiwas si Nini. Ngunit bago iyon ay kinindatan siya ni Bong ng Isa, bagay
na ikinangiti niya ng lihim.
Kahit ganoon, nakadama ng kakaiba si
Nini? Dati naman siyang kinikindatan ni Bong pero iba ang nadama niya ngayon.
Parang may sugat na kumirot sa loob ng puso niya, pero kakaiba. Ramdam niya,
hindi iyon makirot bagkus ay kasiya-siya sa kalooban niya, nasasarapan siya.
Pero ayaw pumayag ni Nini na umiibig
na yata siya kay Bong. Tamang hinahangaan niya ito at ideal man niya pero hindi
niya magagawang ahasin ang kanyang pinsan. Mahal niya si Jean, na itinuturing
na niyang best friend!