LINGGO NG
GABI: Malamig ang simoy ng hangin. Sa silid ni Jean ay matatanaw ang isang
munting ilaw na tanging nagbibigay ng liwanag.
Pakiramdam ni Jean ay nakabilad siya
sa sikat ng araw kung katanghaliang tapat. Nakatodo na ang lakas ng elektrikpan
ay inaalinsangan pa rin siya. Hindi siya mapakali sa kanyang kama, tayo, upo,
higa, basa ng kanyang leksiyon. Kung anu-ano na ang kanyang ginagawa ay hindi
pa rin siya dalawin ng antok.
Maganda si Jean, sa edad niyang 20
anyos ay maraming nagkakandarapa sa kanya at pumapanhik ng ligaw sa bahay nila.
Kung baga sa kanta ay nasa kasikatan siya. Kung baga sa artista ay
kahanga-hanga siya. Sa kasibulan niyang iyon ay taglay niya ang makinis na
kutis, maamong mukha, balingkinitang katawan at kaayusang taas sa isang babae
na katulad niya.
Kaya kapag araw na ng sabado,
pagkatapos ng klase nila't dumating na siya sa bahay nila sa Marilao ay
nag-abang na sa silid niya ang mga bulaklak na padala ng mga manliligaw niya.
Tama lang na panghinayangan siya ng
mga masugid niyang manliligaw dahil may nagmamay-ari na ng puso niya, si Bong
ang halos limang taon na niyang nobyo't isang staff nurse sa isang pribadong
ospital doon din sa kanila sa Marilao.
Sa loob ng limang taon nang relasyon
nina Bong at Jean ay walang pagkukulang na naidulot ang bawat isa sa kanila.
Palagi silang masaya sa piling ng isa't isa.
Si Jean ay kasalukuyang nag-aaral ng
Engineering courses sa University of Santo Thomas kasama ang pinsan niyang si
Nini, itinuturing na niyang bestfriend, kumukuha rin ng Engineering. at kasama
rin niya sa kuwartong inuupahan nila.
Hindi inaasahan ni Jean na sa kabila
ng matagal at matatag nang relasyon nila ni bong ay may dadating na pagsubok,
na para sa kanya'y napakabigat sa kanyang damdamin. At iyon ay ang bumabalisa
sa kanya sa gabing iyon sa kanyang silid. Nasa isip pa rin kasi niya ang sinabi
ni Bong tatlong gabi na ang nakakaraan.
"Alam mo Jean, kapag kasama mo
palagi ang pinsan mong si Nini ay hindi mo maiaalis na...," naudlot na
sabi ni Bong.
"Na ano?" usisa naman ni
Jean.
"May sasabihin sana ako sa iyo,
h'wag kang magagalit," anang binata.
"Oo. Basta ba totoo lang ang
sasabihin mo eh, h'wag kang magsisinungaling," tugon ni Jean.
"Gusto ko sanang kausapin si
Nini."
"Bakit naman?"
"Alam mo, h'wag ka sanang mabibigla,
may paghanga akong kinikimkim para kay Nini eh, alam kong mali. Kaya gusto ko
siyang kausapin para sabihin sa kanya. Hindi upang magkaugat ito kundi upang
maputol na itong nararamdaman ko," ani Bong.
Nabigla si Jean sa narinig. Hindi
niya akalaing magagawang ipagtapat ni Bong ang ganoon. Pero sa isang banda ay
mas maige ang ganoon naisip niya. Masasabing may katapatan talaga ang binata sa
kanya dahil nasabi iyon ng bukal sa puso nito.
Matagal nang kinikimkim ni Bong ang
damdamin niyang iyon para sa pinsan ng nobya niya. Mahal na mahal niya si Jean
kaya naman nagawa niyang ipagtapat dito ang bumabagabag sa saloobin niya.
Nagpatuloy pa ang binata sa
pagsasalita. "Ano ang masasabi mo, dapat ko bang kausapin si Nini upang
sabihin ko ito o hindi na?"
"Ewan ko sa 'yo. Kung ano ang
makagagaan sa damdamin mo ay gawin mo!" sabi ni Jean ng may hinanakit ang
kalooban.
"H'wag ka namang magalit, kaya
ko nga sinabi sa iyo ay upang matulungan mo ako eh. At saka hinding-hindi kita
ipagpapalit sa kanya." Pang-aamong sabi ng binata.
Naririndi na si Jean sa pinagsasabi
ng nobyo pero nagpigil pa rin siya. "Hindi naman ako galit eh,"
aniya.
"Hindi raw---. Nag-iba na ang
mood mo eh, kilala kita," ani Bong. "Mahal na mahal kita Jean, ito'ng
tandaan mo. Madagdagan man ang pagtingin ko sa kanya ay hindi nito malalampasan
ang pagmamahal ko sa iyo, tandaan mo 'yan." Sabi pa niya sa nobya.
Medyo may kalaliman na ang gabi
noon. Nagpaalam na si Bong sa nobya at sa magulang nito. Pansamantalang
ibinalik ni Jean ang sigla upang hindi mabigyan ng intindihin ang nobyo sa
pag-alis nito na siya'y galit. Ngunit sa kabila nito ay tila bulkang nais
sumabog ang kanyang damdamin.
dig naman
iyon sa balikat niya.