Bakit Kailangan Pang Magmahal Ng Iba?
CHAPTER 12

PAGDATING NG KATOTOHANAN

PAUWI na si Marites, kapatid ni Jean, nakasakay sa traysikel, pauwi na galing ng palengke. Nahagip ng paningin nito ang bakuran nina Bong ng mapadaan sa tapat niyon ang sinasakyan niya. Natanawan niya sa bintana ng bahay ang mga magulang ng binata. Nagalak siya at ibinalita agad kay Jean pagdating sa kanila.

         "Totoo?" Gulat man si Jean ay siyang-siya sa ibinalita ng kapatid.

            "Oo Ate. Kaya lang--- hindi ko nakita si Bong."

            Siya namang pagdating ng Ina ng magkapatid. Sinalubong nila ito at nagmano sila.

            Masaya ring ibinalita kay Jeang ng kanyang Ina na nagkita sila ng mga magulang ni Bong pagkaraan ay malungkot naman nitong ibinalita sa anak na may masama palang nangyari sa binata kaya pala walang tao sa bahay nila nitong mga nakararaang linggo dahil na-confine pala ito sa Maynila.

            Subalit huminahon din naman ang kalooban ng dalaga ng sabihin ng Ina na wala na siyang dapat na alalahanin dahil ligtas na sa ano mang kapahamakan si Bong.

            Speaking of the devil ika nga ng iba, siya namang pagdating ni Bong. Maayos na maayos at may dalang mga rosas.

            Upang mabigyan naman ng break ang magkasintahan ay nagpaalam kuno ang dalawa na pupunta ng kusina.

            So, nagkaroon ng pagkakataong magkasarilinan sina Bong at Jean. Una ay titigan. Yumuko si Jean. Lumapit si Bong. Ibinigay ang bulaklak at pagkaraang tanggapin ng dalaga ay niyakap niya ito at siniil ng sunod-sunod na halik sa labi.     "Jean... I love you and I'm sorry." Pagsumamo ng binata. "Na-realize ko na ibigay na sa 'yo ang iyong kaligayahan. Kung saan ka liligaya ay doon ako," patuloy pa niya.

            Kinuha ni Jean ang tingin ni Bong. "Talaga!" May kasamang matamis na ngiti sa labi. "Ang kaligayahan ko ay makapiling ka, laging makasama." Halata sa mukha ng binata ang pagtataka sa pagbabago ng desisyon ng nobya. "Oo Bong, nagbago na ako. You first! Before my profession."

            "Oh Jean, I love you so much..." Sabay yakap muli ni Bong ng mahigpit sa nobya. "What if kung mag-propose ako ng kasal? Siguro naman ay sapat na ang naiipon ko."

            "Really?! Are you sure?" May pananabik si Jean sa mata.

            "You know me." Masaya si Bong.

            "But when?"

            "Gusto ko ay makasal na tayo sa Disyembre, this year. At gusto ko ring masabi na natin sa ating mga magulang."

            Sumang-ayon naman ang dalaga pagkuwa'y inilihis ang usapan. "Gusto kong malaman mo na si Nini ay...." Natigilang siyang magsabi. Natahimik bigla si Bong. Nagpatuloy ang dalaga, "Nasa US na siya. Bago siya umalis ay nagtapat siya sa akin. Ipinagtapat niya ang nangyari sa inyo. Hindi ko kayo masisisi."

            "Mapapatawad mo ba ako?"

            Yumakap si Jean at tumango ngunit may tumulong luha sa mga mata. "Nagpapasalamat pa nga ako kay Nini. Tunay siyang dakila. Dahil sa kanya ay namulat ako sa katotohanan, sa tunay kong damdamin.

            "Simula ngayon Jean, umasa kang buong-buo kong iaalay sa iyo ang pag-ibig ko. Wala kang makakahati kahit na sino, pangako, IKAW LANG....."



<<<== Previous Chapter  |  Last Chapter ==>>>