MARCH
1991:
Sa wakas ay tapos na ako sa kolehiyo.
Makakatulong na rin ako sa mga magulang ko. Balita ko kasi ay malapit nang
umalis ang mga US bases dito sa Pilipinas. Pagkaraan ay mag-iipon naman ako
para sa sarili ko.
At ang pinakaimportante ngayon ay alam
kong tapos na rin si John. Ganap na siyang isang pintor.
Si Sheena ay isang taon pa bago makatapos.
Ewan ko lang kung matagpos niya dahil nahihilig siya sa barkada. Pero sana
naman ay huwag niyang biguin ang aming mga magulang.
Sa huling liham ni John ay nabanggit
niyang dadalawin daw niya ang pamilya namin especially me kaya masayang masaya
ako. Tinupad nga niya.
Isang araw ay nasopresa na lamang ako ng
may kumakatok sa pinto. Nang buksan ko ay si John na nga. How exciting! After a
long, long years ay nagkita muli kami. At napatunayan kong totoong siya nga ang
nasa larawan at 'di hamak na mas magandang lalaki pa siya sa personal.
Agad niyang iniabot sa akin ang dala
niyang bulaklak.
Unabis na hindi ako nakapagsalita.
Nanatili akong nakangiti at nakatitig sa kanya. Para akong napako sa
kinatatayuan ko. 'Ni hindi man lang ako nakapagpasalamat sa bigay niyang mga
bulaklak.
"Hindi mo ba ako patutuluyin?"
nakangiting sabi ni John. pagkatamis-tamis ng kanyang mga ngiti. Ni minsan ay
wala akong nadamang ganoon sa mga pinapanhik kong mga manliligaw.
"Tuloy ka.... Maupo ka." Taranta
ako ng mga time na iyon. Hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin sa
pag-istima sa kanya. Gusto kong makipagkuwentuhan na sa kanya at mag-usisa ng
kung anu-ano, gusto kong ipaghanda muna siya ng mamiminandal, gusto kong
tawagin sina Nanay at Sheena.
Pero hindi na pala kailangan. Parang
nawala ang pananabik ko ng dumating si Sheena.
"John? John! Oh it's you."
Humahalakhak si Sheena ng lumapit kay John. Tumayo si John sa kinauupuan niya.
Hindi ko akalain, biglang yumakap si Sheena kay John at nag-alumbitin sa leeg
nito. Tumatawa lang naman si John at tumingin sa akin, ngumiti. Kaya naman
ngumiti rin ako.
Umuusok ako noon sa selos, I mean sa inis.
Ewan ko kung inggit iyon kay Sheena dahil ang ginawa niya ay hindi ko nagawa.
"Have a sit," ani Sheena kay
John. "Oh, Ate, bakit hindi mo man lang pagmiryendahin ang ating guwapong
bisita."
Ano ba't nainis ako kay Sheena. Uutusan pa
yata ako upang masolo si John. "Sige, ipaghanda mo na." Pinanlisikan
ko siya ng mata. Sumunod naman ngunit nakaismid. Hinarap ko si John at
siyempre, inilabas kong muli ang matatamis kong ngiti.
"Salamat nga pala sa mga bulaklak,
John."
Tumango siya at ngumiti. Naninibago ako sa
behavior niya ngayon. Mukhang ang dise-disente niya. Pormal pa ang dating.
Nakatitig siya sa akin, titig na titig. Hindi ako nagpahalata pero alam kong
gamunggo na ang pawis na umaagos sa akin. Hindi ko maintindihan ang sarili ko
noon. Lalo na ng lumipat siya sa tabi ko at hawakan ang aking mga kamay.
"Andria.... kay tagal kong
pinanabikan na makita kang muli. Kay tagal kong hinintay ang sandaling
ito." Hinalikan pa niya ang kamay ko. Pakiramdam ko ay nakalutang ako sa
hangin pero hindi ako nagpahalata ba nasisiyahan ako sa ginagawa niya.
Hindi ko na alam ang gagawin ko ng ilapit
niya ang mukha niya sa tainga ko at sinabi niyang "I love you very much,
Andria."
Dama ko ang magkahalong init at bango ng
kanyang hininga. Hindi dapat na maging ganoon ang nangyayari, baka kung saan pa
mauwi, baka makalimot kaming pareho. Alam kong mahal niya ako at ganoon din
naman ako sa kanya. Gusto ko na siyang yakapin.
Hindi maaari! Baka bumaba ang pagtingin
niya sa akin. Kailangang magpakipot muna ako. Kahit hindi na uso sa panahon ay
iuuso ko ulit.
Alam kong malapit na niya akong halikan
kaya bigla akong tumayo. "Excuse me, John. Ang tagal ni Sheena, eh. BAka
nagugutom ka na. Ako na ang kukuha ng pagkain."
Hinayang na hinayang si John. Ako rin
naman ay nanghihinayang din pero hindi naman ako katulad ng ibang babae na
karakaraka ay bumibigay. Sayang lang ang mga turo sa akin ni Nanay kung hindi
ko magagamit.
Sa kusina ay sinita ko si Sheena.
"Bakit ganoon ang asal mo kanina.
Hindi ka na nahiya, kadalaga mong tao ay ginawa mo iyon."
"Wala namang masama sa ginawa ko,
Ate. Pagbati lamang iyon dahil matagal na kaming hindi nagkikita at saka hindi
naman na iba sa atin si John, 'di ba?"
"Kahit na!"
"Nagseselos ka lang, eh,"
sinabayan pa ni Sheena ng tawa kaya nainis na naman ako sa sinabi niya.
"Ilabas mo na 'yan doon!" Nauna
na akong lumabas kay Sheena. Kasunod ko na siya. Ngumiti na naman ako kahit
naiinis ako sa kapatid ko.
Pagkababa ni Sheena sa meryenda sa mesita
ay inunahan niya akong tumabi kay John. Doon ako sa kabilang upuan. Pero sa
akin tumitingin si John. Hindi niya gaanong pansin si Sheena.
"Ehem... Ehem...." nagpatawag
pansin si Sheena. "May gagawin pa nga pala ako sa kusina, excuse me for a
while."
Tumayo si John. "Sige Sheena--- see
you later." Nang maupo ay ako naman ang hinarap. "Si Tita Vida nga
pala?"
"Padating na iyon, may pinuntahan
lang sandali." Napalingon ako sa pinto. "Hayan na pala siya,
eh."
Tumayo muli si John. "Magandang araw
po," nakangiti si John ngunit parang hindi pansin ni Nanay. Lumagpas siya
matapos sagutin ang bati ni John. Akala siguro niya ay manliligaw ko na ibang
tao. Ngunit natigilan siya sa muling sinabi ni John.
"Tita Vida--- Nagbalik na po
ako."
Agad lumingon si Nanay. "Anak! John,
hijo---" napuno ng galak ang anyo ni Nanay at nilapitan si John. Masaya
silang nagbatian, nagkamustahan. Tanungan. Nasapawan nga ako ni Nanay sa
eksena, eh. Nanatili akong nakaupo at pinagmamasdan sila.
"O s'ya. Maiwan muna kita at may
aayusin lang ako."
"Sige po, Tita Vida."
"Andria, bahala ka muna kay
John," ani Nanay sa akin.
Sa wakas, mapapansin ulit ako ni John.
Sa pagkakataong iyon ay nagkasolo kami.
Marami kaming tinalakay. Naungkat pa namin ang paglalaro namin noong maliliit
pa kami ngunit hindi na ang bahay-bahayan dahil nahihiya na kaming pag-usapan
iyon. Tungkol sa propesyon ko at propesyon niya. Gusto niya at gusto ko.
Nagkakatugma naman ang mga pinag-uusapan namin.
Hindi siya gaanong nagtagal dahil
gagabihin daw siya. May workshop pa daw siyang pupuntahan sa Olongapo
pagkagaling niya sa amin. Hindi ko naman na siya pinigilan dahil baka gabihin
siya.