DUMALAS
ang pagbisita ni John sa bahay at ako ang lagi niyang pakay. Hindi naman
minasama nila Nanay at Tatay dahil alam nilang nasa husto na kaming edad,
lamang ay itong si Sheena ang parang sumasama ang loob sa akin. Lalo na kapag
magde-date kami ni John. Naiinggit siya sa akin. Kaya ang gagawin niya ay
aayain din niyang lumabas ang kanyang nobyo at mamamasyal sila.
Naisipan ni John na ipasyal ako sa
Maynila. Ipinagpaalam niya ako sa mga
magulang ko. Tutal ay matagal na rin naman akong hindi nakakaluwas kaya
naisipan kong sumama na.
Hindi nahirapan si John na kumbinsihin ang
mga magulang ko. May sarili nang sasakyan si John noon. Nakapagpaasembol siya
ng oner na ginagamit niyang service sa mga lakaran. Iyon ang ginamit namin.
"Kung ilibot muna kaya kita dito sa
Angeles City. Alam kong hindi ka gaanong pamilyar dito," mungkahi ko kay
John. Napapayag ko naman siya. Nagustuhan niya ang lugar sa Dau. Namili pa nga
siya ng personal na gamit ng katawan niya, eh.
"Okay dito, Andria. Ang mumura ng mga
bilihin."
Ilang libong piso rin ang nagastos ni John
doon kasama na ang gastos sa mga kinain namin. Dumiretso na kaming lumuwas
pagkaraang mailibot ko siya sa lugar namin. Alanganin na ang oras noon, tiyak
na gagabihin na kami sa pag-uwi.
"Baka hanapin ako sa bahay, John.
Ihatid mo na kaya akong pabalik," sabi ko sa kanya dahil alam kong ang
alam sa bahay ay uuwi din ako sa araw na iyon.
"Huwag kang mag-alala, ipinagpaalam
kita kay Tita Vida. Doon ka na lang kako matutulog kina Tita Linda pansamantala.
Ihahatid na lamang kita kapag nakapamasyal na tayo."
Pumayag ako sa sinabing iyon ni John. Alam
kong hindi naman niya sisirain ang tiwala sa kanya ng mga magulang ko.
Matagal ang naging biyahe namin ni John.
Trapik kasi sa expressway malapit na sa balintawak, weekend kasi, eh. Buti na
lang at maraming alam na pasikot-sikot si John.
Madalang akong maluwas kaya tuwing
mapupunta ako ng Maynila ay marami nang nababago. Nadadagdagan ang mga
establismento, mga behikulo, lalo na ang polusyon. At higit sa lahat ang
populasyon ng mga tao.
Lahat na halos ng uri ng tao ay nasa
Maynila na. Masakit mang aminin, karamihan ay puro eskuwater. Sa pagkakaalam ko
ay sila ang mga taong buhat sa malalayong lalawigan na naghahangad umasenso ang
pamumuhay at sa pag-aakalang nandito sa Maynila ang hinahanap nila ay
nagpupuntahan sila dito. Ngunit ano ang aabutan nila dito? Sabi ng iba ay
mayroon daw. Oo nga, meron, pero puro kahirapan at kahirapan pa. Kaya kung ako
sa mga nandoon sa probinsiya na laging sumasagan ng sariwang hangin at tahimik
na pamumuhay na nagnanais na pumaroon sa lungsod ng Maynila ay manatili na
lamang sa kanilang kinalalagyan ngayon. Matuto lamang silang magbanat ng buto
at magtanim ng mga papakinabangang halaman ay ayos na. Kaysa manirahan sa
Maynila na namumulot lang ng basura sa smokey mountain. Ang mga taong iyon ay
'yung nakikipagsapalaran lamang ng walang hinaharap sa buhay, walang
kamag-anakan o kakilala. walang natapos na pinag-aralan, karamihan ay mangmang.
'Di bale sana kung tapos at maabilidad sa buhay, iyon, tiyak na maganda ang
kanyang patutunguhan sa Maynila.
Sa Quezon Blvd. kami nagdaan ni John. Sabi
niya sa akin ay sa Fairview daw sila nakatira.
"Mukhang malayo ang iniisip mo,
Andria? May problema ka ba?" naantala ako sa sinabi ni John.
"Wala. May gumugulo lang sa isipan
ko." pinilit kong ngumiti kay John upang mawala ang kanyang pag-aalala.
Pagsapit namin sa bahay nila ay wala doon
ang mag-anak. Umuwi daw sa mga biyanan ni Tita Linda silang mag-anak at mga
isang linggo daw sila doon ayon sa liham na iniwan kay John.. kami nagdaan ni
John. Sabi niya sa akin ay sa Fairview daw sila nakatira.
"Mukhang malayo ang iniisip mo,
Andria? May problema ka ba?" naantala ako sa sinabi ni John.
"Wala. May gumugulo lang sa isipan
ko." pinilit kong ngumiti kay John upang mawala ang kanyang pag-aalala.
Pagsapit namin sa bahay nila ay wala doon
ang mag-anak. Umuwi daw sa mga biyanan ni Tita Linda silang mag-anak at mga
isang linggo daw sila doon ayon sa liham na iniwan kay John.
Pinapagpahinga ako ni John sa guest room.
Nagpalit ako ng damit. May dala akong bihisan. Sa pagod sa biyahe ay naidlip
ako ng mahiga ako sa kama.
Naalimpungatan ako ng may humihimas sa noo
ko. Bigla akong nagising, nagulat ako. Pagmulat ko ay si John ang nakita ko.
Napaatras siya. Ngumiti ako upang hindi siya mag-alala na kinakabahan ako o
nag-iisip ng masama sa kanya na maaari niyang gawin sa akin ng mga sandaling
iyon. Iwinaksi ko ang masamang pangitain sa isipan ko.
"O John!?" nakangiti kong usal
sa kanya.
"Gigisingin na sana talaga kita, eh.
Nakahain na kasi, tayo nang kumain."
Masarap magluto si John, nabusog ako.
Kapilyuhan kong nasabi tuloy sa sarili ko, "Tamang-tama, hindi na ako
mahihirapang magluto kapag ikinasal na kami." Napangiti ako.
Matagal na pala niya akong pinagmamasdan
habang naroon pa kami sa hapagkainan. "Bakit ka natatawa, hindi ba masarap
ang luto ko?" aniya.
"Hindi. Ang sarap sarap nga ng luto,
eh."
Natigilan ako ng magtama ang aming mga
paningin. Nagniningning ang kanyang mga mata. Naramdaman ko ang init ng kanyang
mga palad ng gagapin niya ang kamay ko.
Sa alinsangan ng gabi ay parang gininaw
ako. Pakiramdam ko ay nagtatayuan ang mga balahibo ko. Lalo na ng muli niang
halikan ang mga iyon.
Agad kong binawi ang aking mga kamay.
"Ipapasyal mo pa ako bukas, baka mapuyat tayo. Sige ka...." malambing
kong sabi kay John.
Napakamot na lang siya sa ulo. "Oo
nga pala, sorry. Sige magpahinga ka na."
"Sige, goodnight.." Tinungo ko
na ang silid ko. Tiwala naman ako kay John kaya hindi ko na iyon isinarado.
Nakahiga na ako at inaantok-antok na ng
may kumaluskos sa may pinto ng silid na tinutulugan ko. Buangon ako't tiningnan
kung ano. Pagsilip ko ay wala naman pero nakita ko si John na nakahiga sa sofa
at naghihilik. Naisip kong baka siya ang kumaluskos at sinisilip ako. Sinubukan
ko siyang tawagin kung gising pa. Palagay ko ay gising siya, nakahiyan lang na
mabistong sumisilip sa silid ko.
Nagbalik na ako sa kama at nahiga na ako.
Ngunit hatinggabi na ay hindi pa ako dalawin ng antok. Naisipan kong silipin si
John. Gusto ko siyang makita. Dahan-dahan akong lumabas, sumilip sa pinto.
Nakahiga siya sa sofa. Tulog na nga siya. Pero natanggal ang kumot niya.
Nakahubad pala siya noon, naisip kong baka
sipunin siya kaya lumapit ako upang kumutan siya. Shit! Short lang na maikli
ang soot niya. Lumantad sa akin ang kamatsohan niya. Mabalahibo pala ang
kanyang dibdib, ang mga braso, hita't binti. Binalutan ako ng pananabik. Parang
gusto kong himasin ang kanyang dibdib. Ang amo pala ng kanyang mukha kapag natutulog
siya. Naalala ko tuloy noong bata pa siya, ganoong-ganoon pa rin siya kung
matulog, nakanganga ng kaunti at naghihilik. Hawak ko na ang kumot pero hindi
ko pa rin maitakip sa kanya dahil parang ayokong lubayan ng tingin ang
kamatsohan niya. Kapilyuhan ko pang sinipat ang ano niya. "Sira ka
talaga," naisumbat ko tuloy sa sarili ko. Nakakatuwa kasi, ang laki ng
bukol sa brief niya.
Nang mapakislot si John, sa takot kong
magising siya at makita akong nasa tabi niya ay tumakbo akong pabalik sa
kuwarto. Nahiga agad ako sa kama. Nakalimutan kong isara ang pinto ng kuwarto
kaya tanaw si John sa higaan niya. Tumahimik ako at inaninag siya. Madilim,
hindi ko siya makita. Inisip ko na lang na natutulog na.
Muli ay may kumaluskos na naman. Kinabahan
na ako. Alam kong nasa sofa si John. Sino naman ang kumakaluskos na iyon. Hindi
ako kumilos sa pagkakahiga. Kunwari ay tulog na ako. Pero dahan-dahan akong
dumausdos pababa sa sahig at gumapang patungo sa may pinto. Nang makakubli na
ako at tumayo ako upang silipin kung ano ang kumaluskos na iyon.
"Ayyy!!!"
"Shit!!!"
Nagulat ako. Ang walang hiyang si John.
Nagkagulatan kami ng magtama pa ang mukha namin.
"Aatakihin ako sa iyo sa nerbiyos.
Bakit gising ka pa?" tinanong ko siya.
"Hindi kasi ako makatulog. Mainit sa
kuwarto ko kaya sa sofa na lang ako nahiga." ibinalik niya sa akin ang
tanong. "E ikaw, bakit gising ka pa rin?"
"Maalinsangan din, eh. Sige matutulog
na ako."
Sa tagpong iyon ay parang napako ako ng
titigan ako ni John sa aking pagkakatayo. Nakikiramdam ako kung ano ang gagawin
niya. Kung yayakapin niya ako ay okay lang, mapapasubo siya sa akin,
saloob-loob ko. Namumungay ang kanyang mga mata, nagbabasa siya ng labi.
Hinihintay kong siilin niya ako ng halik. Pero mukhang walang mangyayari kaya
ako na ang bumasag ng katahimikan.
"What?"
Napailing siya ay nagkamot ng batok.
"Goodnight..." naitugon pa niya.
"Nakakasuya naman!" sabi ko sa
sarili ko. Inis akong tumalikod kay John.
"Andria..."
Napalingon ako at--- "Ummp..."
ang tangi kong nasabi. Iyon na! Umiskor din si torpe. Hinalikan niya ako sa
labi ngunit sandali lang. Agad siyang nagpunta sa kuwarto niya. Wala akong
ipinakitang reaksiyon sa kanya, kunwari ay dead-ma ako, patay malisya. Pero
pagpasok ko sa silid na tutulugan ko ay masayang masaya ako. "Yes!"
sigaw ko sabay higa at yakap sa unan. Nag-ilusyon akong si John ang kayakap ko.
Hindi ko sukat akalain na ganoon katorpe
si John. Noong mga bata pa kami ay akala mo kung sinong magsalita na kesyo
liligawan daw ako paglaki namin eh torpe naman pala.