ALEXANDRIA:
CHAPTER 11

PAGSUKO NG DANGAL

MARAMI kaming pinasyalan ni John. Matapos iyon ay niyaya niya ako sa Antipolo. May fiesta daw kaming pupuntahan. Sa kaibigan pala niya sa Vermont Park Subdivision iyon along Marcos Hi-way.

      Hindi ko alam kung matutuwa ako o magagalit sa kanya ng ipakilala niya akong nobya niya. Naki-ride naman ako sa kanya. Pero sinabi ko sa kanyang huwag na niyang uulitin iyon dahil hindi totoo.

      "Eh 'di gawin nating totoo! Do you love me. I'm sure I do love you." Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ako kumibo agad. "Tse!" Natawa ako. Ayokong sa ganoong paraan lang niya ako mapasagot. Ano 'ko cheap. "Mabuti pa ay magsimba na lang tayo sa Antipolo Church." Naimungkahi ko kay John.

      "Anong date na ba ngayon?"

      "May 11. At saka gusto ko nang kasoy."

      Tumawa siya sa sinabi ko. Nang-alaska na naman siya. "Naglilihi ka na eh wala pa naman tayong ginagawa. Para hinalikan lamang kita kabagi eh....," sabay tawa siya.

      "Ah gano'n!" sabay kurot ko naman sa tagiliran niya. "Nakatuwa ka, John. Alam mo ba 'yon."

      Ang daming tao ng araw na iyon sa Simbahan. Siksikan. Kumapit ako sa braso ni John ng pumasok kami. Suwerte naman namin at may bakanteng upuan sa napuwestuhan namin.

      Nakaluhod ako at taimtim na nananalangin ng marahan niyang ginagap ang isa kong kamay at pinisil niya iyon. Napalingon ako sa kanya, waring nagtatanong kung bakit. "Ano 'yon, John?" marahan at mahina kong sabi.

      "Andria....,Ipangako mo sa akin na hihintayin mo ako. Na hindi ka iibig sa iba.... Mahal na mahal kita, Andria...," aniya at hinalikan niya ang mga kamay ko.

      Kaysarap sa aking pandinig. Dama ko humaplos iyon sa puso ko. Sa aking galak ay napatango na lamang ako dahil ng magtama ang aming mga mata ay para akong naging estatwa.

      Sa harap ng Diyos, Siya ang saksi ng sagutin ko si John. "Mahal na mahal din kita, John. Sana ay huwag mo akong sasaktan."

      Alam kong maligayang-maligaya si John ng araw na iyon. "Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na ito, Andria. Pinaligaya mo ako. Salamat. Umasa kang ikaw lang ang pakaiibigin ko."

      Hindi ko akalain na ang araw na iyon ng sagutin ko si John ay ang araw din ng pagpapaubaya ko ng sarili sa kanya pagsapit namin sa bahay.

      Pinatikman niya sa akin ang champagne. Espeyal daw iyon. Nasarapan ko naman kaya napadami ang nainom ko, ganoon din siya. Nalaman ko lang na lasing na ako ng tumayo ako at biglang mapaupo muli sa sofa. Hilo na pala ako noon. Pinagtawanan ako ni John. Tumawa rin ako.

      Namumungay na ang mga mata ko noon sa antok. Naramdaman ko na lang na binuhat ako ni John sa dinala sa silid. Kusang kumapit ang mga braso ko sa bisig niya. Sa pakiwari ko ay hindi pa gaanong lasing si John ng mga sandaling iyon.

      Matapos niya akong kumutan ay hinalikan niya ako sa pisngi bago siya tumayo ngunit pinigilan ko siya sa kamay. Kasunod niyon, ang natatandaan ko na lang ay nang maghinang ang aming mga labi hanggang sa maghinang na rin ang aming katawan.

      Kinabukasan, nang matauhan ako ay naulit sa gunita ko ang nangyari. Buong puso kong ipinagkaloob ang pagmamahal ko at katawan kay John bilang patunay na mahal ko siya. Sinuklian din naman niya ng mas higit na kaligayahan ang ginawa ko sa kanya. Ipinadama niyang mahal na mahal nga niya ako. Lahat ng paraan ng pagpapaligaya sa isang babae ay ginawa na niya sa akin kaya ako'y naging masaya at iwinaksi ko na sa isip ko na siya'y torpe.

      Kinausap ako ni John, tungkol daw sa nangyari sa amin. Pakakasalan daw niya ako, kung papayag nga lang daw ako kahit sa lalong madaling panahon ay okay lang sa kanya.

      Gusto ko ang sinabi niya. "Pero, John. Hindi naman ako nag-aapura. Kailangang paghandaang mabuti ang bagay na iyon. Ang pag-aasawa ay hindi parang isang bagay na bago't pupulutin at itatapon kapag naluma na."

      Naunawaan ako ni John. "Kung ganoon bigyan mo lamang ako ng kaunti pang panahon upang mapaghandaan kong mabuti ang ating kinabukasan," aniya.

      Naunawaan ko naman siya. Pumayag ako sa gusto niya. Nagpahatid na ako sa amin dahil nag-aalala na rin akong baka hinihintay na ako ng mga magulang ko.

ana naman ay huwag niyang biguin ang aming mga magulang.



<<<== Previous Chapter  |  Next Chapter ==>>>