ALEXANDRIA:
CHAPTER 12

PAGSUKO NG DANGAL

HINDI ko akalain na ang damdamin ko kay Sheena noong mga bata pa kami ay muling nagbabalik ngayon (nung mga time na nagseselos ako kapag naglalaro sila at hindi ako kasali).

      Iba na ang dahilan ng selos na nadarama ko ngayon. Madalas, usap-usapan sa lugar namin na nagde-date daw sina Sheena at John. "Who cares?" nasasabi ko na lang sa ibang mga tsismosa. Pero deep inside, nagseselos talaga ako.

      Nang hindi ko na matiis ang nadarama ko ay kinompronta ko si Sheena minsan na magkaharap kami.

      "Lumalabas daw kayo ni John. Saan kayo pumupunta?" maganda ang pagkakatanong ko sa kanya, nakangiti pa nga ako, eh. Ano ba't bigla akong inalibadbaran sa kanyang isinagot.

      "Saan ba nagpupunta ang mga taong nagpapakaligaya? Hindi ba sa langit?" sabi ni Sheena na nakangisi pa. "You know what? Ang galing magpaligaya ni John." Napakagat labi pa si Sheena na animo ay ninanamnam ang isang pagkain na nilalasahan. Lalo lang akong naasar.

      Alam ko ang langit na tinutukoy ni Sheena dahil ako man ay dinala na ni John doon ng kami ay magsiping.

      "Nililigawan ka ba ni John?" usisa ko pa.

      "We're friends. Fling lang naman 'yung sa amin ni John, Ate."

      "Fling! tapos sasabihin mo na nadala ka na niya sa langit."

      "Sa panahon ngayon, Ate--- if you and your body is pretty sexy ay natural lang na maraming maghangad na maikama ka." Kasunod ang pagtawa ni Sheena ng malakas. "And look at you, mukha kang walang kaalam-alam sa sex. Paano namang gaganahan ang mga lalaki niyan sa iyo?"

      "Shit, Sheena. Ipinagkaloob mo ang sarili mo kay John ng hindi mo na inisip ang maaaring mangyari?" Nagkakamataasan na kami ng boses noon. Liberated si Sheena pagdating sa sekswalidad.

      "Para ano pa? As long as nag-e-enjoy din ako. And besides--- alam naman ni John na hindi siya ang naka-deflower sa akin, eh. So, who cares?"

      Nagpantig ang mga tainga ko kaya napadapuan ko agad ng lumalagapak na sampal si Sheena. Alam kong masakit iyon. Tinutop niya ang kanyang pisngi.

      "Bakit, Ate, naiinggit ka? Nagseselos ka? nai-insecure ka?!"

      Sa sinabing iyon ni Sheena ay daig ko pa ang sinampal ng dalawang beses. Maaaring totoo nga ang sabi ni Sheena sa dahilang mahal na mahal ko si John.

      Ayoko nang humaba pa ang pagtatalo namin ni Sheena. Ako na ang umiwas dahil ako ang nakatatanda. Pumasok ako sa kuwarto ko at doon ko inilabas ang sama ng loob ko, umiyak ako ng umiyak. Naglaro sa isip ko ang mga pangako ni John sa akin at ang naganap sa kanila ni Sheena. Naisip ko pa, baka niloloko lang ako ni John, baka gusto niyang tuhugin kaming magkapatid, baka nga totoo ang sabi ni Sheena na manloloko ang mga Manila boy.

      Pero iwawaksi ko agad iyon sa aking isipan. Masakit kasing isipin na lolokohin lang ako ni John sa kabila ng pagtitiwalang ginawa ko sa kanya. Pinalalakas ko na lamang ang loob ko. Iniisip kong hindi gagawin ni John sa akin 'yon.

      Tuluyan nang nabura sa isip ko ang mga bagay na iyon ng muli akong dalawin ni John.

      "Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko at handang pakasalan, Andria."

      Katanghaliang tapat noon. Maalinsangan ang panahon. Pero mas naging maalinsangan ang nadarama ko ng akbayan ako ni John at pagapangin ang kanyang kamay sa loob ng aking duster.

      Nasa kuwarto ko kami. Ihiniga niya ako at masuyong hinalikan mula ulo pababa at pababa pa ng pababa. Talaga namang napapaliyad ako sa sarap, halik pa lang ni John 'yon. Tunay nga siyang mangingibig. Nawawala ang pagdaramdam ko sa sinabi ni Sheena tungkol sa nangyari sa kanila kapag pinaliligaya ako ni John.

      Sa totoo lang, simula ng mapitas niya ang aking pagkabirhen ay hinahanap-hanap ko na ang matatamis niyang halik.

      Kaya naman daw niya ginagawa iyon sa akin ay gusto niyang naririnig ang mga halinghing ko na animo ay awit ng mga anghel. At doon sa kuwarto ko ay muli na naman akong dinala ni John sa alapaap. Nang makapagpahinga na kami at makapagbihis ay may itinanong ako sa kanya.

      "Si Sheena--- mahal mo ba siya?" usisa ko. Hindi agad siya nakatugon. Tumitig muna sa akin.

      "Oo. Subalit bilang kaibigan lamang."

      "Nagtapat sa akin si Sheena, may nangyari na daw sa inyo."

      "Totoo, Andria. Subalit inakit lamang niya ako. Akala ko ay walang malisya ang pagsusulatan namin ni Sheena, ang pagkikita, ang pagde-date naming dalawa. Hanggang sa....." napailing si John. "Basta, Andria, ikaw ang mahal ko." Niyakap akong muli ni John bago siya nagpaalam. Matamlay siyang umalis.

      Siguro ay nalungkot siya dahil nalaman ko ang nangyari sa kanila ni Sheena. Maaari ding nahihiya siya.



<<<== Previous Chapter  |  Next Chapter ==>>>