MATAPOS
akong magsimba, linggo noon, ay agad akong umuwi dahil alam kong dadalaw si
John sa bahay. Isa pa ay malapit na ring kumagat ang dilim noon.
Tama nga ako, pagsapit ko sa bahay ay
nandoon na si John, kausap si Sheena. Nasa sofa sila at parang nakakita ng
multo ng makita akong dumating.
Kasalukuyang nagpupunas ng pawis si John,
si Sheena naman ay nag-aayos ng buhok at gusot ang damit. Kapwa sila humihingal
pa.
"Andria...." bungad na bati ni
John.
"Kanina ka pa ba, Ate?" usisa ni
Sheena.
Ngumiti ako, "Ngayon lang." May
pumasok sa isip ko, pero sana ay hindi totoo. "Ang Nanay at Tatay?"
usisa ko rin.
"Wala. May pinuntahan sila," ani
Sheena.
Biglang nagsikip ang dibdib ko lalo pa at
nakita kong nakalapag ang panty ni Sheena sa may ilalim ng sofa pati ang bra
niya. Nagpakahinahon ako. Hindi ko ipinahalata sa kanila ang nadarama ko. Pero
buo sa isip ko na may nangyari sa kanila sa sofa.
This time, pakiramdam ko ay kumikinig ang
kalamnan ko sa galit pero hindi pa dapat akong mag-react dahil wala naman akong
nakitang aktuwal o let say, hindi ko sila nahuli sa akto.
Kinakausap ako ni John pero di ko
naiintindihan ang mga sinasabi niya. Lutang ang isip ko at nakikini-kinita ko
sa aking isipan ang pagtatalik nina Sheena at John sa sofa.
"I'm sorry, John. Masakit ang ulo ko
ngayon. Bumalik ka na lang sa ibang araw."
Nagpaalam na si John at umalis.
Gabi na ay wala pa rin sina Nanay at
Tatay. Hindi kami nagkikibuan ni Sheena. Akala ko ay sa akin siya papunta ng
tumakbo pero lumagpas at sa kusina nagtuloy. Doon ay sumuka siya at nahulaan ko
agad ang kalagayan niya.
"Buntis ka, Sheena. Ilang buwan na?
Sino ang Ama."
Naawa ako sa kapatid ko ng umiyak at
yumakap sa akin. Ang nasa isip ko ay ang huli niyang nobyo.
"Si John!"
Para akong nabingi. Umakyat ang dugo ko sa
ulo. Gusto kong itulak si Sheena ngunit lalong humigpit ang yakap niya.
"Ate, natatakot ako sa Tatay.
Papatayin niya ako kapag nalaman niyang buntis ako."
"Pero imposibleng si John. Ilang
buwan pa lang kayong nagkikita." alam kong tatlong buwan nang hindi
dinadatnan si Sheena. Pero ikinaila niya.
"Magdadalawambuwan pa lang, Ate. At
si John ang Ama. Kailangang panagutan niya itong dinadala ko."
Sa nangyaring iyon, alam kong simula na iyon
ng pagguho ng aming mga pangarap ni John. Kulang isang linggo akong hindi
naglalabas ng kuwarto ko. Hindi pa alam ng mga magulang namin ang nangyari kay
Sheena.
Gusto akong kausapin ni John pero ayoko
siyang harapin. Kaya ang ginawa niya ay sinundan ako sa Simbahan ng magsimba
ako at kinausap niya ako paglabas namin.
"Andria, hindi ko alam ang gagawin
ko. Buntis si Sheena at ako ang idinidiin na maygawa."
"Pinasok mo 'yan, kailangang
panagutan mo." Tinatagan ko ang sarili ko sa paghaharap namin na iyon ni
John.
"Sigurado ka ba na ikaw nga ang
Ama?" usisa ko pa at hindi siya nakasagot.
"Andria, ikaw ang mahal ko. Hindi ko
naman siya mahal, eh."
Nakita kong nanggigilid na ang luha sa mga
mata ni John.
"Sumama ka sa akin, Andria. Magtaanan
tayo. Hindi ba mahal mo ako? Hindi ba?" tuluyan nang umagos ang luha sa
mukha niya.
Ako man ay napaiyak na rin. "Hindi
iyon ang solusyon, John."
"Wala nang ibang paraan."
"Nakahanda ako sa ano mang
mangyayari."
"Andria....."
"Oo, John. Alin sa dalawa, tayo o
kayo. Bahala na." Ipinakita ko sa kanya ang aking katatagan. Noon ko naman
nakita ang kanyang kahinaan.
"Aalis na ako, John. May pupuntahan
pa ako."
Naiwan siya sa mesa na aming pinag-usapan.
Paglabas ko sa kapitiryang iyon ay saka ko pinahid ang aking luha. Ang totoo ay
gusto ko lamang mag-isa. Bumalik muli ako sa Simbahan at nanalangin. Makalipas
ang ilang oras ay umuwi na ako.
Nandoon na sina Nanay at Tatay at nandoon
din si John pati si Sheena. Malungkot lahat ang anyo nila ng lumapit ako.
Dead-ma naman ako, "Anong nangyari sa inyo, para kayong namatayan?"
usisa ko. Tinitigan ako ni John pero agad akong umiwas.
"Napagkasunduan namin na ipakasal na
sina Sheena at John sa lalong madaling panahon," wika ni Tatay.
Alam ko naman na ang dahilan pero hindi
ako nagpahalata. Pinilit kong ngumiti, "Well--- goodluck to both of
you." Sabi ko sa dalawa. Ang totoo'y parang bulkan na gustong sumabog ang
dibdib ko sa galit. "Excuse me." Dumiretso ako sa kuwarto at doon ako
nag-iiyak.
May kumakatok sa pinto at binuksan ko. Si
Nanay pala iyon. Niyakap ko. "Napakasakit Nanay. Bakit ganoon?"
Alam ni Nanay na may unawaan na kami ni
John.
"Talagang ganoon ang buhay, Anak.
Lakasan mo ang loob mo." Niyakap din ako ni Nanay. Alam kong awang-awa
siya sa akin dahil alam niyang mula pa pagkabata ay mahal ko na si John.
Pinilit kong makahanap ng trabaho sa
Maynila. Napasok naman agad ako. Ayoko kasing makita ang kasal nina Sheena at
John, higit sa lahat, ayoko nang bumalik pa sa lugar namin dahil gusto kong
makalimutan na ang mapait na kahapon sa buhay ko.
Pinilit kong kalimutan ang lahat at
ituring na isa lamang masamang panaginip ngunit sadyang ganoon ang damdamin na
mahilig magpakirot sa puso lalo na 'yung mga sugatan.
Tulad ngayon, sa araw na ito ay nandito na
naman ako sa Simbahan ng Antipolo. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na
gunitain ang araw na magkasama kami ni John sa lugar na ito, mismong dito sa
inuupuan ko. Nananariwang muli sa aking pandinig ang sinasabiniya noon sa akin
na mahal na mahal niya ako. BASAG NA BULAKLAK BAGONG PAG-ASA akin na mahal na
mahal niya ako. Tatlong taon na ang nakalilipas buhat noon at tatlong taon na
rin ang nakalilipas buhat ng pakasal sila ni Sheena.
Alam kong masakit din para kay John ang
nangyari sa buhay nila. Mag-iisang taon nang wala si Sheena buhat ng mamatay sa
sakit na lung cancer. Bata pa kasi siya ay naninigarilyo na.
Pero kahit papaano ay kapatid ko pa rin
siya, kahit na sabihing anak siya ni Tatay sa ibang babae. Ipinagdasal ko ang
kanyang kaluluwa. Matapos akong magnobena para sa kaligtasan ng kaluluwa ni
Sheena ay lumabas na ako sa Simbahan.
Pababa na ako sa hagdan ng mabangga sa
akin ang isang bata at bungisngis na nakatitig sa akin. Nakilala ko agad, ang
anak ni Sheena at John 'yon. Nagalak ang aking kalooban at nasasabik kong
kinarga ang bata. Hinalikan ko ay ibinabang muli.
Higit pa roon ang nadama kong galak ng
matitigan ko ang Ama ng bata, si John.
"Come to Papa." Ani John sa Anak
at hinawakan sa kamay.
"Hi! Andria." Nginitian niya ako
at ngumiti naman din ako.
"Say hello to Tita Andria," aniya
sa bata.
"Hello.....?" kumaway-kaway pa
ang bata at ngumiti.
Nabuhay muli ang natutulog kong damdamin
kay John. Gusto ko siyang yakapin pero nakakahiya. Kaya ang bata na lamang ang
niyakap ko at hinalikan.
Hinawakan ni John ang kamay ko. Nagkatitigan
kami. "Let's go inside..." aniya na sa pandinig ko ay tila may bato
balani na nagpasunod sa akin. Pumasok kami sa Simbahan at muli, sa dating
puwesto naming dalawa.
"Jun-Jun..." ani John sa Anak
niya. "Mag-pray ka kay Lord at mag-thank-you dahil binigyan ka muli niya
ng bagong Mommy."
Tumango lang si Jun-Jun at tumanaw sa
akin, ngumiti. Si John naman ay ginagap ang kamay ko at nagtapat muli ng
pag-ibig.
"Kaytagal kong pinanabikan ang mga
sandaling ito. Will you marry me, Andria?"
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.
Sinaktan ako noon ni John, iniwanan at hinayaang mangulila. Nag-isip akong
mabuti kung tatanggapin ko ba siyang muli.
Ah! Mahal ko pa rin siya. At ang bata,
kailangan niya ng Isang Ina. Kalimutan na ang nakaraan, ang nakaraan ay nakaraan
na at hindi na maibabalik pa, sabi ko sa sarili ko. Sa makatuwid ay payag na
ako.
"This time--- no more casualty of
love.......," masuyong sabi ni John. "I love you very much,
Andria."
Masaya kaming lahat na lumabas sa
Simbahan. Hawak-kamay kaming naglalakad na tatlo, sa gitna si Jun-Jun.
Sa paglabas naming iyon ng Simbahan, sa
pagharap maning muli sa kasalukuyan at kinabukasan--- alam kong may magandang
pagkakataon na naghihintay sa amin, sa aming bagong pamilya.