ALEXANDRIA:
CHAPTER 7

ARAW NG PANGUNGULILA

AKALA ko ay masaya ang kalalabasan ng ika-labingwalong kaarawan ko. Nandoon lahat ang mga kakilala ko at mga kaibigan. Mga kamag-anak. Kumpleto ang aming pamilya. May handa at tugtugan. Mga kasamahan ni Tatay sa trabaho na ang iba ay amerikano.

      Matapos ang okasyon ay nag-iisa na muli ako sa aking silid. Panggabi ang trabaho ni Tatay kaya pumasok na muli siya kasabay ang mga kasama niya.

      Si Sheena naman ay kasama ring lumabas ng mga kabarkada niya at magdidisko daw.

      Si Nanay lang ang kasama ko noon sa bahay ngunit abala naman sa kusina. Nagliligpit siya ng mga kasangkapang ginamit matapos nilang linisin ng mga kusinera.

      Sa pagod ko ay mistulang katawan ko na ang kusang humilata sa kama. Ilang minuto akong nanatiling nakahiga at nakikinig sa katahimikan ng aking kuwarto. Nakaramdam ako ng pangungulila.

      Napagtuunan ko ang litrato namin ni John na nakakuwadro at nakasabit sa dingding. 'Yung larawan naming dalawa ng umabay kami. Pinagtuunan ko rin 'yung kuha naming tatlo nina Sheena na magkakaakbay kami. Kuha naman iyon sa birthday ni John.

      Natatawa ako kapag naaalala ko ang mga kalokohan namin noon. Pero agad ay nawawala. Tulad ng pag-iisa ko sa kuwarto. Tamang nakadama ako ng kasiyahan sa aking kaarawan pero pakiramdam ko ay panandalian lamang. Nangungulila pa rin ako at alam kong si John ang hinahanap-hanap ko ngayon.

      Nag-iilusyon ako kung ano na ang hitsura ni John. "Nasaan na kaya siya? Natuloy kaya ang pag-aaral niya sa pagpipinta? Nasunod kaya ang ambisyon niyang makapagpatuloy ng pag-aaral?" Ilan lang ito sa mga namumuong katanungan sa isipan ko na ako rin naman ang sumasagot. Sasabihin ko sa sarili kong "Oo."

      Nagbangon ako at nagbihis ng damit pambahay. Natigilan ako ng saplot na lamang sa aking dibdib at kaselanan ang natitira sa aking katawan. Humarap ako sa salamin na human size ang sukat at pinagmasdan ko ang kabuuan ng aking katawan.

      Umikot-ikot ako at sinipat mabuti ang hubog ng aking katawan. Pinagmasdan ko ang yaman ng aking dibdib, ang sukat ng aking bewang at ang aking makikinis at mabalahibong hita't binti.

      Ngayon ko lamang napansin ang kagandahang taglay ng aking katawan. Kaya hindi kataka-takang mahumaling ang mga lalaking nakakakilala sa akin lalo na 'yung mga manliligaw kong dumadalaw sa akin sa bahay kapag inaabutan nila akong naka-short ng maigsi at nakakamiseta ng manipis. Agad naman akong tumatakbo sa kuwarto at magbibihis pag ganoon.

      Isa-isang nanariwa sa isipan ko ang mga lalaking nanligaw sa akin lalo na 'yung mga magagandang lalaki at makikisig. Hinuhulaan ko kung sino kaya ang kahawig ni John sa kanila.

      Mag-iilusyon pa ako na ako daw si Charlene Gonzales at si John si Richard Gomez kung minsan. Kami ay prinsesa at prinsipe ng isang kaharian. Bigla kong maiisip na imposible. "Ilusyunada!" maisusumbat ko pa sa sarili ko at bigla na lamang akong matatawa.

      Speaking of Richard Gomez. Siya ang dream fantasy ko at lagi kong isinasama sa panaginip ko. Isa pang dahilan kung bakit wala akong magustuhan sa mga nanliligaw sa akin ay wala sa kanila ang katangian ni R.G. my love.

      No, but the true reason is--- hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan si John at ang kanyang sinabi sa akin noon na "Basta paglaki natin ay liligawan kita, Andria."

       May napanood na ako sa betamax na mga babaing mababa ang lipad at 'yung tinatawag na mga starlet, kung minsan ay mga sikat pang aktres, na mga nagsisiganap sa x-rated film. May mga magaganda at may mga pangit din.

      Naalala ko si Sheena. Minsan ay nakita ko ang kanyang kabuuan, ang hitsura ng kanyang katawan kapag hubad. Nakaramdam ako ng insecurity dahil sa tingin ko ay mas lamang ang kaseksihan ng kanyang katawan kaysa akin. Pero mas maganda ako sa kanya.

      Malalaki kasi at mayaman ang kanyang dibdib, malaki ang kanyang balakang at matangkad din na kamukha ko. At nagpalakas pa ng sex appeal niya ang pagkakaroon niya ng black beauty.

      Naisip kong suriin kung gaano rin kalaki ang aking dibdib at ang pinakamahalagang bahagi ng aking katawan. Hinubad ko ang dalawang pirasong bagay na bumabalot doon. Nahihiya pa ako sa aking sarili nang una, hindi ako makatingin ng diretso sa aking sarili. Ang kamay ko lamang ang pinagagalaw ko nang una. Hinimas ko ang aking dibdib pababa sa ano ko. Kinilabutan ako at nakaramdam ako ng init sa aking katawan. Ano ba't pakiramdam ko ay lumalaki ang aking dibdib at naninigas ang kalamnan.

      Bigla akong kinabahan. Umabot ako sa ganitong edad pero ngayon lamang ako nakaramdam ng kakaiba nasabayan pa ng pagpasok sa isip ko nung mga x-rated film na pinanood ko minsang wala sina Tatay at Nanay pati si Sheena. Nakadagdag ng pampainit sa aking katawan ang bagay na iyon.

      Lumubay na ako at nagbihis. Tamang-tama naman at siyang pagpasok ni Nanay sa aking silid.

      "Ano ba'ng ginagawa mo, Andria?" usisa ni Nanay sa akin.

      "Wala po, 'Nay."

      Nakita ni Nanay 'yung larawan namin ni John na nakababa sa kama ko. Kinuha ko nga pala 'yon pero nakalimutan kong ibalik.

      "Naaalala mo si John, ano?" nakangising sabi ni Nanay.

      Napahiya naman ako ng kaunti. Inamin ko, tumango ako.

      May iniabot na sobre sa akin si Nanay. Kinabahan ako. Ngumiti siya. "Marahil ay kaya ka nababalisa, naaalala ka niya sa mga sandaling ito," sabi pa niya sa akin.

      "Kay... kay..." nahihirapan akong bigkasin ang nasa dulo na ng dila ko. Magkahalong kaba at pananabik ang nadarama ko noon.

      "Oo--- sa kanya nga galing ang sulat at may nakabalot pang regalo, nandoon sa sofa."

      Binasa ko ang nakapangalan sa sender side; From John Maverick Perez. Pakiramdam ko ay para akong tumama sa loterya ng kung ilang milyon. Bumilis ang tibok ng aking puso. Excited kong binuksan ang sobre. May nakalakip na larawan at agad kong tiningnan. Napahalakhak ako ng malakas. "Si John!" sabay tukop ko sa aking bibig. Nilingon ko si Nanay, buti naman at lumabas na siya sa kuwarto ko dahil nakakahiya kung makikita niya akong galak na galak.

      Parang ayokong maniwala, ang dating batang musmos na kalaro ko noong araw ay isa na ngayong MAMA! Isa nang ganap na binata si John. Gusto ko siyang makita ng personal. Nasasabik na muli akong... ngunit hindi na nga pala puwede, malalaki na kami at hindi na puwedeng maglaro ng bahay-bahayan. Nakakahiya na!

      Marahil ay matutuwa si Sheena kung makikita niya ang liham at larawan ni John. Pero okay lang dahil sa akin lang naman naka-address, hindi sa kanya.

      Pinagmasdan kong maigi ang kanyang mukha sa larawan. Ano ba't parang may kumiliti sa aking buong katawan. Kawangis siya ng iniidulo kong si Richard Gomez. At saka parang pamilyar sa akin ang hitsura niya ngayon. Parang nagkita na kami, hindi ko lang matandaan kung saan.

      Banaag sa larawan ang maskulado niyang pangangatawan sa soot niyang sando at lutang ang kutis niyang kayumanggi. Ewan ko lang kung ganoon din siya sa personal. "Baka naman hindi siya ang nasa larawan." Naisip ko pa. Noon kasing mga bata pa kami ay madalas niya akong lokohin. Lagi niya akong pinepeke.

      Ay! Nang maalala ko ang liham ay agad kong binasa.

Dear Andria,

            Kamusta na ang old friend kong maganda? (noong mga bata pa kami) Kilala mo pa ba ako? Wala nang iba! It's me, John, ang pinakaguwapo mong kaibigan at kalaro ng bahay-bahayan (noong araw).

            How' s life going on? How's your studies? Natuloy ka bang mag-aral ng nursing? Well me, heto at two years na sa pagpipinta (hindi ng dingding o bubong). Natupad din ang ambisyon ko na mag-aral ng course na fine arts.

            Alam mo, Andria--- miss na miss na kita. Kamusta na nga pala si Tita Vida, si Tito Poleng, at higit sa lahat si Sheena? Nami-miss ko na rin siya, eh.

            Minsan ay  pumasyal ako sa atin sa Zambales. Pero sabi ng mga tagaroon ay lumipat na nga rin daw kayo ng tirahan at ibinigay sa akin ang address na ito. Kaya naman agad ay sinulatan kita. Nataon pang kaarawan mo.

            Gustong-gusto kong pumunta diyan pero finals namin ngayon at kailangang mahigitan ko ang  grades ko noon. Scholar ako dito sa U.P. at kailangang mai-maintain ko  ang  mga grades ko, kung hindi ay matitigil na ako sa pag-aaral.

            Andria...., Hindi pa rin ako nakakalimot sa sinabi ko sa iyo noon. Matagal ko nang pinaghandaan ang mga bagay na ito. Mahal na mahal kita, Andria.... Akala ko ay kaya kitang kalimutan dahil naisip kong hindi ang katulad ko ang nararapat na iibigin mo. Subalit talagang mahal kita. Tandaan mo 'yan Andria. Magsusumikap ako't magpupunyagi para hindi ako maging alangan sa estado mo sa buhay. Isa pa ay gusto kong may nakalaan nang magandang kinabukasan para sa magiging pamilya natin. Huwag mo sana akong bibiguin, Andria.....

            HAPPY, HAPPY BIRHTDAY!!!

            Nagmamahal,

            John Maverick

      Maligayang-maligaya ang kalooban ko matapos kong basahin ang sulat. Kung alam lamang niya ay sabik na sabik na rin ako sa kanya. At hindi pa rin nagbabago ang pagtingin ko sa kanya hanggang ngayon.

      Nakatulog ako sa ligaya. Parang nawala ang pagkahapo ng aking katawan. Himbing na himbing ako sa pagkakatulog. Hindi ko na nga namalayan ang pagdating ni Sheena. Pero palagay ko ay inumaga na naman iyon ng uwi.



<<<== Previous Chapter  |  Next Chapter ==>>>