MAS
naging masaya ang relationship namin ni John buhat ng makasama namin si Sheena
sa paglalaro.
Akala ko ay mababawasan na ang atensiyon
ko kay John buhat nang dumating si Sheena sa buhay ko. Mali pala ako, sa halip
ay lalong nadagdagan ang pagtingin ko sa kanya sa pag-aakalang baka maging mas
malapit siya kay Sheena. Dahil kung minsan ay nakakaramdam ako ng inggit kapag
inaabutan ko silang naglalaro.
Sa larong bahay-bahayan lang, siyempre---
kailangan ng Tatay at si John ang palaging gumaganap doon. At siyempre--- ako
ang Nanay dahil ako ang mas matanda kay Sheena at siya ang gumaganap na anak
namin.
Pero kung minsan ay nagpupumilit si Sheena
na siya naman daw ang Nanay at ako ang anak upang sila naman daw ni John ang
kunwari ay mag-asawa. Hindi ako papayag dahil mas masarap ang gumaganap na
Nanay sa laro dahil siyang kapareha ni John at iyon ang nagiging simula ng
pagtatalo namin ni Sheena na kung minsan ay nauuwi sa away.
Magsusumbong ang isa't isa sa amin kay
Nanay siyempre ako ang kakampihan ni Nanay dahil ako ang tunay na Anak. Pero
kapag narinig ni Tatay iyon ay pinapagalitan niya kami.
"Maraming malalaro diyan, iba nalang
ang laruin n'yo para hindi na kayo nag-aaway," madalas isermon ni Tatay sa
amin. Tahimik lang kami kapag ganoon.
Sa araw-araw na ginawa ng Diyos nang mga
panahong iyon ay hindi na kami nagturingan na mag-iiba. Para na kaming
magkakapatid. Alam ko na mas espesyal ang turing sa akin ni John kaysa kay
Sheena. Nadadama ko naman 'yon, eh.
Ang hindi lang maalis sa amin ni Sheena ay
ang pag-iinggitan namin kung minsan. Lahat naman ay dumadaan sa ganoong
pag-uugali kapag nasa edad pa ng kamusmusan.
Ako ay magpipitong taon na noon
samantalang si Sheena ay anim pa lang. Si John ay lumalakad na rin sa pito.
Habang lumalaki kami ay unti-unti kong napupuna ang ugali ng aking kapatid,
nagiging masungit siya, mainggitin at balatsibuyas.
Muli ay naglaro kami ng bahay-bahayan.
Nasa silid ko kaming tatlo. Habang abala si Sheena sa paggagayak ng mga gamit
ay niyakap na lang akong bigla ni John. Nagulat ako at natawa. Wala pang bahid
ng kamunduhan ang isipan namin noon. Ang alam namin ay para lang ding isang
laro ang bagay na ganoon dahil nakikita ko si Tatay at Nanay na nagyayakapan.
Niyayakap lang niya ako. Hindi pa siya
marunong humalik. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang bigat niya ng pumatong siya
sa akin matapos akong mapahiga. Yumuyugyog siya, nagkahagikgikan kami sa tuwa.
Nang mapansin kami ni Sheena ay lumapit siya sa amin ni John.
"Ano 'yang ginagawa n'yo? Sali
ako," aniya.
"Hindi puwede, laro lang ng Tatay at
Nanay 'to!" naisagot ko.
Kumunot ang noo ni Sheena at hinila si
John. Humiga siya at nagpapayakap din kay John, nagpapadagan. Inis na inis ako
noon. Si John naman ay tatawa-tawa lang.
Kapag ngayon ko iyon naiisip na malalaki
na kami ay nahihiya ako sa aking sarili. Naitatanong ko pa sa aking sarili,
"Magagawa kaya namin 'to ngayong malalaki na kami?"
Minsan naman ay inabutan ko sina John at
Sheena na nagbabahay-bahayan ulit. Nakita kong may manyika sila na kunwari ay
anak at magkahawak kamay pa sila. Ang ikinagalit ko ay ng halikan ni John si
Sheena at tumawa. Akala ko ay nagalit si Sheena dahil binira niya si John
ngunit tumawa rin siya. Inis ako noon dahil hindi nila ako isinali.
Lumipas pa ang ilang panahon at tumuntong
na kami sa tamang edad upang mag-aral sa elementarya. Kulang pa ng isang taon
si Sheena kaya hindi pa siya nakapasok.
Hindi gaanong kalayuan sa bahay namin ang
paaralan kaya nilalakad na lamang namin ni John. Sabay kaming pumasok at umuwi.
At sa aming pag-uwi ay nasasabik kami sa muling paglalaro kasama si Sheena
kahit na palagi kaming nagtatampuhan.