Isang linggo na ang nakalilipas buhat ng maganap ang insidente sa buhay ni Jel. Isang linggo na rin ang inilalagi na niya sa pagamutang iyon mula ng mapasok siya doon.
Minsang natutulog si Jel: "Dea...., Dea....., Dea.....," Malamlam at pahalinghing na binibigkas ng binata na animo'y binabangungot sa pagdedeliryo.
"Jel! Gumising ka Jel! Gising!"
"Je.....Jeng....?" sambit ni Jel ng magising sa haplos ni Jingle.
"Nanaginip ka ng masama...."
"No Jeng, it happened."
Naisip niyang nagtutugma ang sinasambit ni Jel kanina at ang nasabi ng mag- asawa sa kanyang pangalang Dea.
"What happened to Dea?" pagsusumamo ni Jel.
"Mas makabubuting bukas ko na lang sabihin sa iyo ang mga nangyari."
"But please...., I need to know what happened to her, please.....?"
"O.k., see you tomorrow," anang Nurse sabay talikod at diretsong lumabas ng kuwarto.
Balewala ang pakiusap ng binata. Mas minabuti ni Jingle na makapagpahinga muna ito at magkaroon ng sapat na enerhiya.
Si Jel naman ay nag-iisip pa rin ng iwanan na ng Nurse. Pilit na ginugunita ang mga nakaraang insidenteng naganap sa buhay niya. Hindi niya lubos maisip kung ano nang nangyari kay Dea matapos niyang ipaubaya na sa mga magulang nito.
Nababalisa siya, nag-aalala. Hindi niya namalayan na hatinggabi na pala kaya natulog na siya.
Maganda ang naging bulas ng umaga sa pasyente, pagmulat ay napainat, humikab pa, nasa kundisyon ang katawan. Balisa, hindi mapakali, gusto na ni Jel na dumating na si Jingle upang malaman na niya ang buong pangyayari, kung napaano na si Dea.
Hindi nagtagal at dumating na rin ang Nurse. Katulad ng dati, regular check- up sa pasyente. Matapos iyon ay may inungkat si Jel.
"Di ba't ngayon mo sasabihin sa akin ang buong pangyayari."
"Ay oo nga pala..... Paano ko ba uumpisahan ito? .........actually, the day na bago ka nagkaroon ng malay ay nanggaling ang mga magulang ni Dea dito, dinalaw ka, kinumusta. Araw-araw iyon, kung hindi umaga ay hapon buhat ng mamalagi ka dito. Mababait sila. Hindi ka na nga raw nila itinuturing na iba sa kanila eh. Alam daw kasi nilang nagmamahalan kayo ng kaisa-isa nilang anak kaya anak na rin daw ang turing nila sa iyo......."
Lahat ng napag-usapan nina Jingle at ng mga magulang ni Dea ay hindi pa alam ni Jel dahil wala pa siyang malay noon.
".......You are now one week here. Dinala ka ng mga awtoridad dito last week na duguan, walang malay-tao.
"Si Bong? 'Yung tao sa nagliyab na Pajero, anong nangyari sa kanya?"
"Hindi na nakilala ang labi dahil natupok sa apoy. Tanging plaka na lamang ng Pajero ang nakuhang ebidensiya ng NBI at sinusuri kung kanino."
Utang ko sa iyo ang aking buhay, maraming salamat."
"Salamat?" Hindi na kailangan, dahil......mahal kita! Ayokong mawala ka pa sa akin. Tama na 'yung mawalan na akong minsan..... Ang tinutukoy niya ay si Rommel, ang dati niyang nobyo.
"Oo, dahil iniligtas mo ang buhay ko sampu ng iyong mga kasamahan sa serbisyo."
"Jel?! Tungkulin naming lahat iyon!" pagtatakip butas ni Jingle sa totoong dahilan.
Ang totoo ay gustong sabihin ni Jingle sa binata na ginawa niya ang ganoon ng off the record dahil mahal niya ito.
Siya namang pagdating ng Duktor kaya naputol ang pag-uusap ng dalawa.
Pero hindi nagtagal at umalis na din iyon matapos ang ginawang body check-up kay Jel kaya nagkaroon muli sila ni Jingle ng pagkakataong makapag-argumento.
"Saan mo binabalak na magbakasyon n'yan paglabas mo dito?" tanong ng babae.
"Sa Bulacan nalang ako...."
"Bakit hindi sa resort o sa beach?"
"Gusto ko pero......sa kalagayan kong ito ay mahihirapan ako."
"Kaya nga nandito ako eh, siyang mag-aalaga sa iyo."
"H'wag nalang.....mas gusto ko ang mag-isa."
Ang kay Jingle lang naman ay gustong damayan at maalagaan si Jel habang nagpapagaling ito. Isa pa ay alam niya na kasalukuyang desperado ang binata kaya hindi niya maiwan.
"Jel, you need someone who will take care of you. Look at your self."
Hindi naunawaang mabuti ni Jel ang mungkahi ni Jingle dahil magulo pa ang isipan niya. Ang pagkakaintindi niya ay nandoon ito bilang isang Nurse na mag-aasikaso sa kanya hindi bilang isang kaibigan.
Tinugon niya ang sinabi ng dalaga.
"You're joking, but isn't funny...."
"Bakit mo naman nasabi?" usal ng babae.
"Ang Nurse kasi ay sa loob lamang ng ospital may karapatang mag-aruga sa mga pasyente niya.
Unless, babayaran siya ng extra bill bilang pribadong nurse."
"P'wede naman akong maging private Nurse mo ah, if it's o.k. to you?" birong totoo ng dalaga.
"Hay naku, wala akong ibabayad sa iyo. Hindi naman ako kapares ng ibang tao riyan na sa dami ng salapi ay halos itapon na lamang," siste rin ng binata ngunit manipis ang kausap.
Antipatiko! Siya na nga itong inaalala. Nagdamdam si Jingle.
"Wait,wait,wait..... Lalo tayong napapalayo ng pinag-uusapan ah. Diba't ngayon mo sasabihin sa akin ang nangyari kay Dea."
Natigilan sandali si Jingle.
Paano ko ba sasabihin sa kanya ito? "Si Dea, ayon sa mga magulang ay sa QCMC isinugod ng maganap ang insidente....."
Tahimik na nakamasid si Jel at nakatutok ang pandinig sa sinasabi ng Nurse, kinakabahan sa susunod na maririnig.
Come on, come on Jeng, tell me that she's alive..... samo niya sa sarili.
"Jel...., I'm afraid to tell you this...... Condolence.....," matamlay na wika ni Jingle. Kaagad na nasakyan ng binata ang tinutumbok ng sinabi niya.
No!!! "Dea....," panaghoy ni Jel. Mula sa mga mata niya ay kumawala at umagos ang luha ng paghihinagpis habang patuloy sa pagsasaad ang Nurse.
"......Hindi na siya nakaabot pa ng buhay sa ospital, lumusot daw sa puso niya ang bala ayon sa awtopsiya...." Nagpatuloy pa ang dalaga. "Nakiusap si Ginang Miranda sa asawa niya na hintayin ka na daw magkamalay bago ilibing si Dea. Pero ika-pitong araw na daw ng burol ay hindi ka pa nagkakamalay kaya napagdesisyunan na ng mag- asawang ilibing na ang labi ng anak nila."
Sa pagkakaupo ni Jel ay para siyang halamang nalanta na unti-unting nanlupaypay at napahiga sa kama ng marinig ang sabi ng kaibigang Nurse. Nanlalambot at pikit matang bumulong sa sarili habang tahimik na nananalaytay ang luha sa mukha.
Kaylupit mo kapalaran!!!
Siya'y napopoot hindi kanino man kung hindi sa pangyayaring naganap sa kanyang buhay, kay Dea, sa buong buhay niya.
"Jeng gusto ko siyang makita...," pagsusumamo niya na may malamlam na tinig.
"Oo Jel, h'wag kang mag-alala, lagi akong nasa tabi mo, handang tumulong at dumamay sa iyo. Sasamahan kita sa kinaroroonan niya."
Nalilito si Jingle. Bilang isang Nurse ba na ang maglingkod sa may karamdaman ang dahilan o bilang isang Jingle na bukal sa kalooban ang pag-iintindi sa kaibigan na lihim na minamahal ang dahilan kung bakit gayon na lamang ang pagmamalasakit ni Jingle kay Jel.
Bago dumating ang takdang araw ng paglisan ni Jel sa ospital ay nagpasama muna siya kay Jingle sa puntod ng labi ni Dea na nasa pangangalaga ng Loyola Memorial Park.
Asang-asa ang Nurse na kasama na siya ni Jel na magbabakasyon dahil sa pagpunta nito sa puntod ng nobya ay kasama na siya. Ngunit ilang araw makaraan ang pagpunta nila sa Loyola ay lumabas na si Jel ng ospital ng hindi niya nalalaman kaya sumama ang kanyang damdamin.
Bakit ganoon s'ya, nagbabago na. Dati-rati'y mahal na mahal daw niya ako,
lagi niyang sinasabi
noong nanliligaw pa siya. Akong may kasalanan nito, ipinagsawalang bahala ko kasi ang pag-ibig
niya sa akin noon kaya heto ako ngayon, unti-unting umiibig sa kanya pero unti-unti naman yatang
umalayo ang damdamin niya...