Hindi pa nasiyahan si Dea ay bumaba pa sa kotse upang sugurin ang nagmamaneho. Sa pagkakatayo niya ay nakapameywang pa. Hinihintay na lumabas ang tao upang surutin niya.
Dahan-dahang bumukas ang pintuan ng sasakyan. Paa ang unang bumungad kay Dea. Nakasuot iyon ng sapatos na de-goma, 'yung Jordan VI. Sa makatuwid ay lalaki iyon. Mula sa paa ay tiningnan niya paitaas hanggang sa mukha ng makababa na. Hinihintay niyang humingi ng paumanhin ngunit sa halip ay nginitian pa siya.
Aba't nang-iinsulto pa yata ang damuho ah!
Pinagmasdan niyang maige ang hitsura ng lalaki. Natigilan siya ng mamukaan niya. Si...... Si Bong?! Siya nga! bulong niya.
Dati niyang nobyo si Bong mula pa noong unang taon pa lamang nila sa kolehiyo sa Pamantasan ng Santo Tomas hanggang sa makapagtapos na sila ng pag-aaral doon. Kaya lang ay nagkalayo sila ng pumuntang Amerika si Bong upang tumulong sa kapatid niya sa pagpapatakbo ng negosyo nila.
"Hi! Dea. kamusta ka na?" bati ni Bong na may kasama pang na ngiti.
Walang ipinakitang reaksiyon ang dalaga. Napalitan ng panlalata ang pakiramdam niyang dati'y alinsangan sa buo niyang pagkatao sanhi ng pagkainis niya sa lalaking iyon na si Bong pala. Unti- unti siyang napasandig sa unahang bahagi ng kotse niya at napayuko.
"Siya nga pala, I bought flowers for you...." ani Bong.
Pagtingala ni Dea ay nakaabang na ang mga rosas na hawak ni Bong. Halatang bagong pitas lang dahil sariwa pa at mayroon pang hamog.
Napawi ang tamlay niya at napalitan ng matamis na ngiti bilang pagtanggap niya sa pasalubong ng lalaki.
"Thank you Bong.... thoughtful ka pa rin hanggang ngayon."
Walang nagawa si Dea kung hindi ang anyayahang tumuloy si Bong sa loob ng bahay. Gaano na nga ba naman 'yung maatrasado siya ng ilang minuto sa pakikipagkita sa katipan niya. Natural naman na nga sa mga Filipino ang naaatrasado. Doon sa rest house niya isinama ang lalaki. Parang walang nangyari kanina. Parang hindi uminit ang ulo niya. Balintuna sa nangyari sa kanya ngayon, pakiramdam niya ay nanlalamig siya ngunit pinagpapawisan naman. Matagal na nagkakuwentuhan ang dalawa, nang umpisa ay masaya sila hanggang sa mauwi iyon sa seryosong usapan.
"Kay tagal kong hinintay ang pagkakataong ito Dea. Apat na taon akong nagtiis sa ibayong dagat na hindi ka makita. Kaya heto ako ngayon upang makasama ka."
"Bong....."
Paano kaya ipagtatapat ni Dea ang lahat kay Bong, paano niya sasabihin doong mayroon na siyang minamahal na iba.
"Bong.... bakit ka pa kasi umalis noon.....? nangamba tuloy akong baka wala ka na kaya ng dumating si Jel noon ay tinanggap ko na.
"Kung maibabalik ko nga lang ang nakaraan ay hindi na kita iiwan pa. Labis akong nangulila sa iyo Dea. Mahal kita."
Hindi malaman ng dalaga ang itutugon sa sinabi ni Bong. Lalo pa ng tumabi iyon sa kanya, halos maupos na siya. At ng abutin pa ng lalaki ang magkabilang kamay niya at pinipisil-pisil pagkaraan ay hinalikan kaya naging ganggamunggo na ang lumabas na pawis sa kanya.
Nang mga sandali ding iyon ay kasalukuyan namang naghihintay si Jel sa tagpuan nila ni Dea.
Kalahating oras na siya doon ay hindi pa dumadating ang dalaga. Wala siyang kamalay-malay na may naging bisita pala ang kasintahan niya kaya wala pa.
Kasalukuyan namang naiipit si Dea sa pangyayari. Naisip niyang sabihin na niya lahat kay Bong ang dapat nitong malaman upang hanggang maaga ay hindi ito gaanong mabigla.
"Bong....., may ipagtatapat ako sa iyo......"
"Ano 'yon? Ano'ng ibig mong sabihin Dea?"
"May kasintahan na ako. Jel ang pangalan niya....."
Nang narinig ni Bong iyon ay unti-unting nabitawan ang kanina'y mahigpit niyang tangang mga kamay ni Dea.
"Dea.....?"
"Oo Bong, minahal kita noon pero anong ginawa mo? Iniwanan mo ako.
Nangungulila ako sa iyo noon, nalulungkot ako, noon din ay dumating na lang siya sa buhay ko at nagsabing lulunasan niya ang lahat ng pagdudusa ko, mamahalin niya ako ng higit pa sa pag-ibig mo...."
"Patawarin mo ako Dea. Ngayon ko nalaman na hindi ko pala kaya na mawala ka. Mahal kita.....," ani Bong.
Tahasang pag-aargumento ang pawang maririnig kina Dea at Bong. Kung may makakarinig man ay walang iba kung hindi si Miding lang pero nasa labas ng bakod at tinatabas ang mga nag-ungos na sanga ng santan doon. Kaya may lakas pareho ng loob ang dalawa na maglabasan ng kinikimkim na sama ng loob sa isa't isa.
Sa inip ni Jel ay sumakay na siya sa kotse at pinuntahan na lang sa bahay si Dea. Hindi naman siya dating ganoon ah? naibulong nito.
Nagkaroon ng pagtataka sa isip niya habang nasa daan siya.
Si Dea naman ay nalibang na sa pakikipag-argumento sa bisita at nakaligtaan nang mayroong taong naghihintay sa kanya.
Si Bong ay naanod na sa silakbo ng damdamin niya, muli niyang hinawakan sa kamay si Dea. Hindi pa siya nasiyahan kaya ikinulong pa ito sa kanyang bisig.
"Alam ko Dea, nababanaag ko sa iyong mga mata. May pagtingin ka pa rin sa akin hanggang sa ngayon......"
Sabay kabig niya sa batok ng babae at bigla niyang siniil ng halik sa labi. Nagpumiglas iyon ngunit walang nagawa sa lakas ng puwersa niya kaya nagpaubaya na lang. Parang natauhan siya ng makita niyang may umagos na luha mula sa mga mata niyon.
"Bong, tatapatin kita. Mahal kita noon. Pero ngayon ay hindi na!" anas ng dalaga na humihikbi pa.
Ngunit humirit pa rin ang lalaki.
"Alam ko, kaya nawala ang pag-ibig mo sa akin noon ay nawala kasi ako, ngayon ay nandito na uli ako kaya ibalik mo na uli sa akin ang pag-ibig mo Dea, parang awa mo na...." Kasunod niyon ay pagyakap pa ni Bong kay Dea. Mahigpit. Marahas. Mapusok.
"Ano ba Bong?! nasasaktan na ako!"
Nagpumiglas si Dea, nagpipilit na makawala sa lalaki. Pagkainis pa ang nadama niya ng muli siyang halikan ni Bong. Halik na parang uhaw. Namumuwersa, hindi tulad ng dating halik na nagmumula sa puso nito.
"Bong?!"
"Dea, hindi ako makapapayag na hindi ka magiging akin!"
Nabalot ng takot ang buong pagkatao ni Dea. Nanibago siya sa mga ikinilos ni Bong at pinagsasabi sa kanya. Sa paningin niya ay isang anyo ang lalaki ng karahasan sa mga oras na iyon.
"Bong, ano ba? Nababaliw ka na ba?!" Ngatal na nasabi ni Dea.
"Oo Dea, nababaliw na ako sa sobrang pagmamahal ko sa iyo. Isa kang taksil! Nangako ka sa akin noon na hindi magbabago ang pag-ibig mo kaya lumakas ang loob kong lumayo. Ngayon ay bumabalik na ako sa iyo ngunit ano ang iginanti mo? Ang pagtaksilan ako! Kaya ngayon ay magiging akin ka. Hindi ka na papakinabangan pa ng iba!!!"
Sa takot ni Dea ay napasailalim na siya sa lakas ni Bong. Ni hindi na niya magawang humingi ng saklolo dahil nanghihina siya, bawat halik ng lalaki sa kanya ay napipikit na lamang siya at kasabay niyon ay pagpatak ng luha sa kanyang mga mata.
Nang natatantiya na niyang may naiipon na siyang enerhiya ay agad niyang ginamit sa pagpupumiglas upang makawala sa bisig ng lalaki.
Ngunit laking gulat niya ng nanggigigil na hinablot ni Bong ang tirante ng suot niyang pang-itaas na damit. Nawakwak iyon. Lumantad sa lalaki ang makinis at malulusog niyang dibdib na natatakpan lamang ng suot niyang bra. Tototohanin nga ni Bong ang sinabi sa dalaga na aangkinin niya iyon. Sa pagkabigla ni Dea ay napadapuan niya ng sampal si Bong. Malakas. Matunog. At naging dahilan iyon upang lalong manggigil sa kanya iyon.
"Iyan ang gusto ko sa babae, matapang, lumalaban."
Muling hinaltak ni Bong ang sira nang damit ni Dea. At ilang beses pa kaya lalong nagkawatak- watak. Sindak na sa pagkatakot ang dalaga.
Hindi pa nasiyahan si Bong kaya nagpumilit na matanggalan ng soot na square pants ng dalaga, de garter lang iyon.
"Walanghiya ka! Hayop!" sabi ni Dea sa lalaki habang alalay ng mga kamay ang sintereras ng suot niyang pang-ibaba.
"Sige na, paliligayahin kita.....," ani Bong na nanlilisik ang mata. Sadyang malakas di hamak ang puwersa ng lalaki kaysa babae kaya napagtagumpayan ni Bong na matanggal ang suot ni Dea.
Lalong nanlaki ang mga mata ng lalaki ng matambad sa kanya ang bilogan, makikinis at mapuputing hita ng dalaga.
"Bong, maawa ka sa akin....." humahagulgol na pagmamakaawa ni Dea.
Ngunit bingi na si Bong. Hindi niya dininig ang hinaing ng dalaga. Nagpatuloy siya sa hangaring maangkin ito.
Nagtaka siya ng bitiwan ni Bong. Umagwat ito ng kaunti sa kanya ngunit patuloy pa rin itong nakatitig sa kanya ng matalim.
Pumasok sa isip ni Dea na takasan ang lalaki subalit napangunahan siya ng takot ng makita niya ang baril na nakasuksok sa tagiliran nito ng hubarin ang suot na damit.
Muling binalingan ni Bong si Dea. Dahan-dahan siyang lumapit sa babae, tinabihan at tinanganan sa magkabilang balikat. Umatras ang dalaga pero sagad na sa dulo ang inuupuan nila. Nakulong na siya ni Bong doon.
Nagmakaawang muli si Dea ngunit gaya kanina, bingi na talaga si Bong sa pagnanasa. Hindi nito dinirinig ang pagmamakaawa niya.
Muling nanlaban si Dea ng magpumilit ang lalaking mahalikan siya habang yapos ang kanyang katawan. Pilit niya itong ipinagtutulakan sa magkabilang balikat habang pinaghahalikan siya niyon sa labi, sa pisngi, sa leeg, at sa dibdib, paulit-ulit sa iba't ibang parte ng katawan niyang iyon habang ang mga kamay naman ay gumagapang sa maseselang bahagi ng kanyang katawan.
"Dea!!!" malakas na sigaw buhat sa pintuan ng resthouse.
"Jel....," sabi ni Dea ng malingon kay Jel na dumating na.
Tinigilan ni Bong ang ginagawa kay Dea upang lumingon kay Jel. Ngunit huli na ng makita niyang nakatayo na ito sa likuran niya. Isang kapak ng dagok ang dumapo antimano sa balingusan niya.
Kasunod ng isang dagok pa sa sikmura, baligtad siya, nabuwal.
"Bong?!" pagkabigla ni Jel ng humarap sa kanya ang binirahan.
"Jel? Pare?" pagkabigla din ni Bong at pagtataka.
Buong pagtataka din ni Dea dahil magkakilala ang dalawa. Lalo pa ng tawagin ni Bong na pare ang nobyo niya.
"Pare h'wag kang makialam dito! " banta ni Bong.
"Paanong hindi ako makikialam dito eh s'yota ko 'yang binabastos mo anak ka ng pu.....!" pagngingitngit ni Jel.
"Dea...., anong ibig sabihin nito?!"
Susugurin pa sana ni Jel si Bong ngunit naundayan siya agad niyon ng sipa. Malakas ang naging buwelo kaya bumaligtad siya at nabuwal palabas sa resthouse.
Si Dea naman ay dali-daling humatak ng isang malapad na tuwalya sa loob ng kabinet at itinapis sa katawan niya pagkaraan ay tumakbo siyang palabas at nilapitan si Jel, itinayo.
"Jel!" ani Dea, sabay kabig sa braso ng nobyo ng makita si Bong na papalapit sa kanila. Kinabig naman antimano ni Jel ang nobya at pinalagay sa gawing likuran niya pagkaraan ay hinarap si Bong.
"Ikaw pala ang ipinagmamalaki ni Dea, a family man, married to Jingle!" ngiting asong sabi ni bong na nagngingitngit ang kalooban sa galit.
Nilingon ni Jel si Dea pagkasabi ni Bong na may asawa na siya at nakita niyang masama ang titig sa kanya niyon na may bahid ng pagdududa.
"Dea, alam mong hindi totoo....., magkaibigan lang kami...." Yumuko lamang ang dalaga at nagsawalang kibo.
"Pagbabayaran mo ang kalapastanganan mong ito!" sabi ni Jel na nag-iinit na rin sa laban.
Agad binigyan ni Jel ng isang matinding sipa si Bong sa dibdib. Hindi nabuwal ang lalaki dahil nasandal sa puno ng niyog kaya nakaganti ito agad ng dagok at namaluktot si Jel sa hapdi.
Pagtayo ni Jel ay nakaabang na antimano ang kamao ni Bong. Sa panga siya tinamaan. Ngunit hindi niya ininda ang kirot at gumanti rin siya agad. Matigas din sa away si Bong, hindi rin nito ininda ang mga tama ng suntok at sipa ni Jel sa kanya. Nakipagpalitan siya ng lakas. Suntok niya, suntok sa kanya. Pareho na silang may pasa sa mukha at may putok sa labi.
Nagpawala ng isang matinding suntok si Bong at buwal si Jel ng tamaan sa panga, padapa. Ang sanggano namang lalaki ay nawalan din ng panimbang ngunit napaluhod lang.
"Pagod na ako sa iyo!" mariing sabi ni Bong habang surot ng gitnang daliri si Jel, 'yung tinatawag na dirty finger.
Kamontik nang mapasigaw si Dea ng makitang hinugot ni Bong ang baril sa tagiliran. Naisip niyang mas magiging delikado para sa kanilang dalawa ni Jel kung gagawa siya ng ingay. Nag-isip siya ng paraan.
Palapit na si Bong kay Jel. Gusto ni Dea'ng agawin ang baril ngunit napipigil siya ng takot.
Nang tadyakan ni Bong si Jel sa gulugod ay napabiling ito sa hapdi at nakitang nakakatutok ang baril ng lalaki sa kanyang mukha. Gusto niyang pumalag ngunit wala siyang magawa. Sa sandaling kumilos siya ng masama ay siguradong sabog ang ulo niya.
"Dapat ka nang mamahinga!" ani Bong at nang akma nang kakalabitin ng lalaki ang gatilyo ay dinuraan pa si Jel.
"H'wag......!" sigaw ni Dea na sa pandinig ni Bong ay unti-unting lumalakas at lumalapit sa kanya ang tinig. Nang lumingon siya ay hindi na niya nalaman ang sumunod na pangyayari. Sa isang iglap ay nagdilim agad ang paningin niya at bumulagta na lang siya sa lapag.
Hindi agad napansin ni Bong ng makalapit si Dea sa likuran niya kanina at hatawin siya sa batok ng dos por dos na kahoy na nadampot ng dalaga sa gilid ng halamanan.
Nang inaakala ni Dea na wala nang malay si Bong ay binitiwan na niya ang kahoy at nilapitan si Jel, inalalayang tumayo.
Nakita ni Jel si Bong na nakahandusay sa lupa, nakadapa. Binalingan niya si Dea, hinalikan sa labi at niyakap. "Are you O.K.?" sabi pa niya. Nakangiti namang tumango si Dea at pinahid ng isang daliri ang dugo sa gilid ng labi ni Jel.
Habang patuloy sa pag-uusap ang magkasintahan ay unti-unti namang nagkakaroon ng malay si Bong.
Nang manumbalik na ang ay nilinga agad ang baril, nang makita ay agad dinampot.
Walang-wala sa loob ni Dea ng makitang nakatindig na sa may likuran ng nobyo si Bong. Nakangisi ngunit halata sa bikas ang pagkapoot.
Hindi malaman ni Dea ang gagawin ng natatantiya na niyang kakalabitin na ni Bong ang gatilyo upang kitilin ang buhay ng nobya niya. Si Jel naman ay walang kaalam-alam. Nakahalata lamang ito ng makita sa anyo ng nobya niya ang pagkabahala habang nakatitig sa likuran niya.
"Jel!!!" sigaw ni Dea kaya napalingong bigla si Jel.
Bago pa man naiputok ni Bong ang baril ay mabilis na bumiling si Dea kaya siya ang nalantad sa bala. Huli na ng makita ni Bong ang dalaga. Nakalabit na niya ang gatilyo at hindi na niya mapipigil pa ang bala na tatama kay Dea.
"Nnooo...!!!" mahina ngunit mariing sabi ni Bong sa sarili.
Nasapul na ng bala sa likod si Dea. Duguang nanlupaypay sa bisig ng nobyo niya.
"Je.......l...," hikahos na sabi ng dalaga na napangiti pa kahit may umaagos na luha sa mga mata dahil nailigtas ang buhay ng nobyo.
Hindi malaman ni Jel ang gagawin, susugurin ba ang salarin o gagawa muna siya ng paraan upang maagapan ang buhay nito.
Hindi makapaniwala si Bong na si Dea ang nadisgrasya niya. Gusto niyang lumapit sa dalaga ngunit nag-aalanganin siya. Napatuon siya sa baril na ginamit niya. Napailing siya at ipinukol iyon sa malayo.
"Ay!" pagkabiglang sambit ni Miding ng papunta ito sa pinanggalingan ng putok ng mabunggo siya ni Bong. Nagtaka ang katulong sa pag-aapurang makalabas ni Bong at dali-daling pinasibad ang Pajero.
"Miding madali ka!" sigaw ni Jel ng mamataan si Miding na padating.
"Sus ginuu. A.....anung nangyari?!" anang bisayang katulong.
"Tumawag ka ng masasakyan kahit na ano! dali!"
Sakto namang paglabas ni Miding ay siya namang pagdating ni Ginang Miranda kasama ang drayber.
"O Miding bakit humahangos ka?" tanong ng ginang sa katulong.
"Mam! Si....si......," hindi pa tagpos magsalita si Miding ay heto na si Jel at pangko-pangko na si Dea na sugatan.
"Dea! Anak ko!" pagkabigla ng Ginang sa nakita. Wala nang masyado pang usapang naganap. Agad na isinugod sa QCMC si Dea kung saan nanggagamot si Duktor Marte, ang Papa niya.
Si Jel naman ay dali-daling sumakay sa kotse at sinundan si Bong.
Walang trapik-trapik sa kanya, kahit sa baku-bakong rampa ay halos lumipad ang kotse niya. Lumiko sa Katipunan Road si Bong kaya lumiko din siya doon. Busina rito, busina roon 'pag may tatawid o lalagpasan siya.
Nagpang-abot ang dalawa sa Quezon Avenue malapit na sa EDSA. Nagminor si Bong dahil nag stop signal kaya nakatiyempo ng pagkakataon si Jel na suruin ito at napakadyot ang Pajero niya.
"Shit!!!"
Walang nagawa si Bong kun'di pasibarin ang sinasakyan. Lumiko siya sa EDSA papuntang hilaga. Sa tuwing aabutan siya ni Jel ay tinutumbok ang hulihan ng sasakyan niya. Kung nagkakatapat naman sila ay naggigitgitan.
Pagsapit nila sa Cubao ay napilitang lumiko si Bong sa Aurora Blvd. ng gitgitin siya ni Jel sa gawing kaliwang panig ng sasakyan niya. Tinalunton nila ang kahabaan niyon. Kapag matrapik ay sinasalubong na nila ang mga sasakyan sa kabilang linya na pasalungat sa kanila, kung minsan naman ay nasa rampa sila. Kaya halos balibagin at murahin na sila ng mga taong umiilag sa kanila.
Napansin ni Jel na may sumusunod na dalawang HAGAD sa kanila marinig ang ingay ng sirena.
Sinesenyasan silang huminto pero nagpa-tuloy si Bong magpapatakbo ng matulin kaya ganoon din ang ginawa niya.
Hindi pa rin nagbabago ang sitwasyon ng makalagpas na sila sa kahabaan ng E. Rodriguez Ave., Welcome,Rotonda, Espa–a, hanggang sa makarating na sila sa Taft Ave. Naghabulan sila sa loob ng Luneta ng mapasok sila doon. Balewala sa kanila kung may madisgrasya sila o mapinsala sa lugar na iyon.
Umabante ng ilang metro si Bong kay Jel nang magdaan sa damuhan. Nanatili sa kalsada si Jel at gumawa ng paraan upang abutang muli si Bong. Hindi napansin ni Bong na nabutas ang tangke ng gasolina niya ng sumayad iyon sa malaking bato.
Napansin ni Jel na gumuguhit sa kalsada ang gasolinang tumutulo sa sasakyan ni Bong ng magbalik iyon sa sementadong kalsada.
May pumasok sa isip niya, Tapos ka na ngayon! Kinuha ni Jel ang lighter sa bulsa ng pantalon niya, sinindihan at nang tangka nang ihahagis sa gasolinang tumatapon sa kalsada mula sa Pajero ay naisip niyang delikado sa banda ng lugar na iyon dahil maraming tao, maraming madadamay na walang malay. Naghintay na lang siya ng ibang tiyempo.
Sa pagkalito niya ay muli na namang umabante si Bong kaya tugis na naman siya. Sabana na ang dinadaanan nila, walang gaanong tao ng sandaling iyon doon. Ngayon na!
Lumingon muna si Jel sa likuran niya. Patuloy pa ring may sumusunod na mga pulis sa kanila.
Pinilit niyang abutan muli si Bong at nagawa niya. Tinumbok niyang muli ng isa at saka niya tinapatan sa bintana ang lalaki.
"Ikamusta mo na lang ako kay kamatayan!" sabi ni Jel kay Bong.
Nginitian lang ng lalaki si Jel. Sinenyasan pa ng dirty finger. "'Eto sa 'yo oh! Oh!' sabi pa ni Bong.
"Eto naman ang sa 'yo, tarantado!" ganting sabi naman ni Jel pagkaraan ay ipinakita niya ang may sindi niyang lighter.
Nagtaka si Bong. Nang malingon ay nandumilat ang mga mata at napalunok ng laway. Pilit na pinatakbong mabilis ang sinasakyan.
Nag minor si Jel.
"Adios!!!" aniya sabay hagis sa lighter na may sindi.
Agad na nagliyab ang gasolina sa sementadong kalsada pasunod sa sinasakyan ni Bong.
"Shit!!!" pagkabiglang sabi ni Bong ng mapansin ang apoy na papalapit sa kanya. Mabilis. Maalab. Nataranta siya.
Biglang itinigil ni Bong ang Pajero sa gitna ng kalsada at nag-aapura siyang lumabas. Plano niya na bago maabot ng apoy ang Pajero ay makaibis siya agad doon at iwanan niya sa gitna ng kalsadang dadaanan ni Jel upang iyon ang bumangga at mapinsala. Ngunit huli na siya. Kasing bilis ng isang kurap ang paglapa ng apoy sa sinasakyan niya bago pa lamang siya makaibis doon.
Isang malakas na pagsabog ang naganap sa lugar na iyon. Pira-pirasong nagtilandangan ang iba't ibang mga piyesa ng sasakyan. Kasama na doon ang ilang piraso ng katawan ni Bong. Hindi akalain ni Jel na paparada ng alanganin si Bong sa kalagitnaan ng daan kaya kinabig niya ang manibela ng kotse niya at umiwas siya sa nagliliyab na sasakyang iyon ni Bong. Bagya lang ang naging layo niya sa apoy kaya ng matapat siya doon ay nainitan siya at hindi alam kung saan ang naging direksiyon ng sinasakyan niya sa kapal ng naging usok na likha ng nasusunog. Huli na ng makita niyang babangga na pala siya sa isang malaking poste ng kuryente.
"Aaahhhh.....!!!" tanging nasambit ni Jel bago niya tuluyang hindi na makita
pa ang sumunod na
pangyayari. Natauhan siya ay sa ospital na.