"Bok! may sasabihin ako sa'yo," masiglang sabi ni Gary.
"P'wede ba, hayaan mo muna akong makapagpahinga," ani Jel na kasalukuyang inaalinsangan pa ng maupo sa kanyang silya. Tumawid pa kasi siya ng overpass bago makarating ng opisina nila, kaya hayun at pawisan.
"Akala ko pa naman ay matutuwa ka sa sasabihin ko sa iyo eh....," matamlay na sabi ni Gary.
"Ano ba 'yon?" ani Jel.
"Tumawag kanina si Jingle. Nagbilin. Sabihin ko daw sa iyong mag-return call ka sa kanya pagdating mo," ani Gary.
Parang kidlat sa pandinig ni Jel ang sinabi ni Gary. Agad dinampot ang receiver ng telepono at tinawagang dali-dali si Jingle, "Hello.... p'wede po kay Jingle?" aniya ng marinig na may sumagot sa kabilang linya.
"Wala pa po siya...., nasa ospital pa...." anang nakasagot.
Bad trip! "Pakisabi na lang po na tumawag si Jel....," aniya.
Napapadukdok na si Jel sa ibabaw ng mesa niya dahil sa antok. Tutal ay tapos na rin lahat ang mga gawain niya at naghihintay na lamang siya ng ilang minuto bago mag-alas-dies kaya binigyang laya na niya ang kanina pa gumagambalang antok sa kanya.
Napaidlip na siya ng sandaling iyon ngunit mababaw lang. Kaya ng tumunog ang telepono sa tapat niya ay nagising agad. Sinagot niya pero halata sa mukha niya ang pagkayamot dahil naabala ang pagidlip niya.
"Hello....? Jel, ikaw na ba 'yan?" sabi sa kabilang linya.
"Gary?" sabi naman ni Jel.
"Wala nang iba!" ani Gary.
"Anong problema?" ani Jel.
"Wala naman....., tumawag lang kasi si Jingle dito sa bahay kanina at itinanong niya sa akin kung nandito ka na......," ani Gary.
"Hambog! O sige na at magliligpit pa ako ng gamit ko, uuwi na ako pagkaraan. Sandali lang.
Tirahan mo ako ng pagkain ha?" ani Jel.
Saktong alas-dies, ligpit na ang lahat ng gamit ng binata. Paalis na ito ng muling tumunog ang telepono sa mesa niya.
Aba'y may pahabol pa......, "Hello?" aniya.
"Can I speak to Jel please.....?" sabi sa kabilang linya.
Pakiwari niya ay pamilyar sa isipan niya ang boses na iyon ng isang babae. Saglit siyang natigilan at nang makilala ay natawa pa siya.
"Dea....? It's me. It's me, Jel," aniya.
"Sira. Si Jingle 'to ano."
Napakamot sa batok si Jel dahil napahiya siya ng kaunti sa dalaga.
"Hey...., what's up?" nasabi na lamang niya.
"Tumawag ako d'yan kanina ah, wala ka pa daw," ani Jingle.
"Nasabi nga ni Gary kanina sa akin na tumawag ka eh, 'yung kaibigan ko. Natatandaan mo siya? Kasama ko siya sa bahay pati dito sa opisina."
"Of course I remember him! Teka muna, baka nakakaabala ako sa'yo n'yan. Baka tatawag pa sa 'yo ang girlfriend mo. Kamusta na nga pala siya?"
"Well, about her, no comment. At lalung hindi ka nakakaabala sa'kin."
Anin na lamang niyang sabihin sa dalagang natutuwa siya kapag nagkakausap sila lalo na kapag nagkikita.
"No comment, no comment. Palagi ka namang ganyan eh."
Anin na lamang sabihing muli ng binata na ayaw niyang pag-uusapan ang tungkol sa relasyon nila ni Dea kapag magkaharap o nag-uusap silang dalawa ng dalaga.
"Jeng, May problema ba?"
"I just want to ask kung uuwi ka this weekend sa'tin sa Bulacan."
"Jeng...., answer me. Tell me what's the problem."
"Problema....? . Kailan ba naman ako nagkaroon ng problema."
Alam ni Jel na maang lamang ni Jingle iyon. Karaniwan nang tumatawag sa kanya ito sa ganoong alanganing oras na may problema.
"Ganyan ka naman eh. Kung hindi iyan ang dahilan mo ay sinasabi mong sino ba naman ang taong nawalan ng problema," anang binata.
Narinig pa nitong napatawa si Jingle sa naging reaksiyon niyang iyon.
"Jeng, I'm seriously asking. Baka may maitutulong ako sa iyo kung sasabihin mo sa akin ang problema mo," dagdag pa ng binata.
Sa puntong iyon ay naramdaman ni Jel na tumamlay ang dalaga ng magsalita na para bang nag- aalanganing magsabi.
"Go ahead...., tell me. Siya na naman ba?"
Si Rommel na nobyo ni Jingle ang tinutukoy ni Jel. Kung nagkakaproblema kasi ang dalaga at naghihinga ng sama ng loob kay Jel ay mas marami ang idinadaing nitong sama ng loob kay Rommel kumpara sa ibang bagay na nagiging problema niya.
"Nagkagalit kami..... It's happened in phone,' ani Jingle.
Sinasabi ko na nga ba eh...... "Jeng, mas maganda sana kung magkita tayo. Dapat ay personal tayong makapag-usap tungkol sa bagay na iyan."
"O.k., but when? Parehong heptic ang schedule natin."
"Amm.... tomorrow night, are you free?" ani Jel.
"Yap! six a.m. to two p.m. ako bukas eh, bakante na ako sa afternoon."
Nagsisimula na namang sumigla ang boses ni Jingle ng magkasundo sila ni Jel na magkikita sila.
"O sige susunduin kita sa ospital bukas ng alas-dos, sa main gate. O, paano...., baka may gagawin ka pa, likewise it's getting late na."
"Wala naman na. Papauwi na ako nito eh," tugon ng dalaga.
"Mag-iingat ka Jeng sa pag-uwi-uwi mo. Lalo na ngayon kung gabi, mas maraming tarantado," ani Jel sa dalaga.
"Thank you ha? Alam mo, you're one of a kind and you're very thoughtful talaga."
Sa pagkakataong iyon ay seryoso na talaga si Jingle. Siya na rin ang pumutol sa pag-uusap nilang dalawa ng binata dahil lumalalim na ang gabi.
"Sige na Jel...., mag-usap na lang uli tayo may gagamit pa kasi ng telepono eh. At saka isa pa ay gagabihin ka rin. Sige, ingat ka...." ani Jingle.
Pareho na silang nag-uwian. Nilikas na nang binata ang opisina nila ganoon din naman si Jingle, nilisan na niya ang ospital na pinapasukan.
ARAW NG LINGGO: Ito na ang takdang araw ng pagkikita nina Jel at Jingle. Gaya ng napag-usapan nilang dalawa, sa tamang lugar at oras, hindi sumira ang binata. Bago pa lang mag-alas-dos ng tanghali ay nandoon na ito sa main gate ng ospital. Ang kaso ay itong si Jingle ang wala pa kaya mga ilang minuto ring naghintay anng binata sa kinaroroonan niya.
ARAW NG BIERNES: Ito na ang takdang araw ng pagkikita nina Jel at Jingle. Gaya ng napag-usapan nilang dalawa, sa tamang lugar at sa tamang oras, hindi sumira sa usapan ang binata. Bago pa lang mag-alas- dos ng tanghali ay nandoon na si Jel sa main gate ng ospital.
Bumili siya ng diyaryo sa tindera na hindi naman gaanong kalayuan sa kanya ang bangketa niyon upang may mapaglimbangan siya habang hinihintay si Jingle. Nagulat siya pagkabigay niya ng bayad dahil may umabot na ibang kamay sa diyaryong binili niya sa ale. Nang lingunin niya ay si Jingle na pala.
"Hi!" sabi ni Jel.
"Kanina ka pa ba?" sabi ng dalaga sa kanya. Agad napangiti si Jel sa magandang bulas ni Jingle sa kanya sa tagpong iyon.
"Hindi naman gaano. Let's go," ani Jel.
"Saan?" ani Jingle.
"Mamamasyal. Hindi ba't sabi mo sa akin dati ay hindi ka pa napupunta sa SM megamall? Kaya doon tayo pupunta ngayon," tugon ni Jel.
"Ay, ang layo! At saka hindi ba doon 'yon sa may Crossing malapit na sa Shaw boulevard ? Eh bakit sa Cubao?" daing ni Jingle na animo'y batang naglalambing sa binata.
"May dadaanan lang tayo, sa talyer."
"Sa talyer...?! Akala ko ba ay mamamasyal tayo?"
"Oo nga! Kaya lang ay mayroon tayong kukuhanin doon." Makulit din pala ang babaing ito kung minsan.
"Ang hirap sumakay ngayon, maalinsangan pa," bulong ni Jingle habang pinupunasan niya ang pawis na umaagos sa pisngi niya.
Pawisan si Jingle. Namumula ang maputing balat nito sanhi ng init ng sikat ng araw. Pinagmasdan ni Jel ang anyong iyon ng dalaga.
Nakakaawang isakay sa d'yip ang hitsura ng babaing ito, mukhang hihimatayin sa alinsangan eh.
Nakatanaw siya ng taxi at pumasok sa isipan niyang magtaxi na lang sila ni Jingle patungo sa pupuntahan nilang dalawa. Hindi na siya nagdalawang isip pa kaya hinawakan niya sa isang kamay ang dalaga at inakay niya patungo sa taxi.
"Saan po kayo?" usisa ng tsuper sa kanila.
"Sa Aurora Boulevard.....," ani Jel.
Ilang minuto lang:
"Bos, saan ho tayo dito? Aurora na ho ito," anang drayber.
"Doon lang sa tapat ng talyer na'yon," ani Jel.
Aba't dadaan nga kami sa talyer.....Napasimangot si Jingle sa narinig niyang iyon na sinabi ng binata sa drayber.
Ilang metro pa ang natakbo ng taxi'ng iyon at pumara na si Jel.
Sa wari ni Jingle ay binibiro lang siya ni Jel nang sabihin sa kanya nitong dadaan sila sa talyer noong una dahil ang sabi ay mamamasyal silang dalawa sa mga lugar na hindi pa niya napupuntahan sa gawing Quezon City.
Kasalukuyang nakasimangot pa si Jingle ng yayain na ni Jel na bumaba na sa taxi pagkaraang bayaran ng binata ang pamasahe nila. Hawak ni Jel sa isang kamay ang dalaga ng pumasok sila sa opisina ng may-ari ng talyer. Hindi basta-basta talyer ang pinuntahan nila. Isa sa kilala at mahusay na pagawaan sa lugar na iyon.
"Tuloy kayo sir..., ma'am," bungad ng sekretarya ng may-ari.
"Si pareng Bong, nand'yan ba?" tanong naman ni Jel sa sekretarya ng makapasok na sila. Kataon namang pagdating ng hinahanap ng binata.
"Oy! pare.....,kamusta. Kanina ka pa ba?" sabi niyon. "Este kanina pa ba kayo?" sabing muli ng Bong na iyon ng makita si Jingle. Agad iniabot ni Jel ang isang kamay sa kaharap at nakipaghalikang palad.
"Mabuti naman pareng Bong. Ikaw kamusta na ang negosyo natin sa Amerika?" tanong ni Jel.
"Mabuti naman. Medyo maganda nga ang pasok ng suwerte ngayon eh. Maupo munakayo," ani Bong.
Nang nakaupo na sina Jel at Jingle ay napatingin sa dalaga si Bong. Nginitian pa niya iyon.
"Akala ko ba t'song ay binata ka? Ipakilala mo naman sa'kin 'yang esmi mo," nakangiting sabi ni Bong kay Jel at sumulyap pagkaraan kay Jingle.
"Ah.... s'ya nga pala si Jingle," pigil ang ngiting pagpapakilala ni Jel sa dalaga dahil sa ang akala ng pareng Bong niya ay asawa na niya ang kaibigan niyang iyon. Darating din tayo d'yan, hindi pa ngayon....
Si Jingle naman ay halos magsalubong ang kilay sa pag-irap kay Jel. Ngingiti- ngiti lang naman ang binata sa kanya. Humanda ka mamaya sa akin bruho ka!
Tumayo si Jel sa inuupuan niyang silya at lumapit kay Bong. Inakbayan niya iyon at may ibinulong siya doon. Maya-maya pa ay tumayo din ang Bong na iyon sa upuan niya na nasa tabi ng mesa niya. Si Jingle naman ay naiwanan sa kinauupuan niyang silya sa harap ng mesa ni Bong.
"Jeng, excuse us for a while ha?" ani Jel sa dalaga.
Ano kaya ang pinag-uusapan ng dalawang kumag na iyon? Baka ibinibenta na ako ni Jel ay hindi ko pa alam ah? Nagmumuni-muni si Jingle sa ikinilos ng magkaibigan. Hindi nagtagal at bumalik na sa upuan ang dalawang lalaki. Nakangiting pareho ng humarap sa dalaga. Kahit may halong pagtatanong ay walang nagawa ang dalaga kundi ang gumanti na lang din ng pagngiti sa dalawang kaharap na lalaki.
"O paano Bong? Kami ay hindi na magtatagal. Keep-up the good work na lang pare," ani Jel.
"Saglit lang pare at ipalalabas ko lang. Antayin mo na," ani Bong pagkaraan ay tumawag sa inter- com.
"Hindi ba't......," hindi pa natatagpos magsalita ang binata ay siningitan na ni Bong.
"O.K. na 'yon bok. Gusto sana kitang sopresahin para mas-ayos diba? Kaya lang, sa tingin ko'y kailangan mo na iyon ngayon," ani Bong.
"Talaga?! No kidding this time pare ha?" ani Jel.
"Oo, basta ikaw. Kababalik ko nga lang kahapon galing state, at nalaman kong sa iyo 'yon kaya sabi ko sa mga tao ko eh gandahan ang gawa dahil sa kumpare ko iyon," masayang sabi ni Bong.
"Nakakahiya naman sa iyo...."
"Wala iyon."
"Eh kelan ang balik mo n'yan sa L.A.?"
"After na magkita na kami ng future kumare mo. Gusto ko nga sanang pasama sa iyo sa kanila, kaya lang ay nahihiya ako sa iyo."
"Bakit? Hindi mo ba alam ang bahay nila?"
"Hindi ko alam eh, nalipat daw sila sa Cainta yata or sa kuwan, sa Antipolo daw yata..."
"Ba't me yata kapa?"
"Just imagine pare, apat na taong mahigit kaming hindi nagkikita." paliwanag ni Bong kaya naunawaan na ni Jel.
Si Jingle naman ay naiilang sa pinag-uusapan ng dalawa. Hindi kasi niya masakyan ang pinagsasasabi ng magkaibigang iyon. Ano ba 'yan...?
Naunang lumabas ng opisina si Jingle dahil bad-trip sa dalawang lalaki. Sabi ay dadaan lang kami pero nakipagk'wentuhan pa sa kumag ding iyon. Anong oras pa kaya kami makapamamasyal nire eh hapon na! Naghihimutok ang loob ng babae.
Si Jel at si Bong naman ay nilapitan ang kotseng nakaparada sa isang bakanteng lugar.
"Ito na ba iyon?!" ani Jel kay Bong habang hinihimas-himas niya ang kaha ng kotseng iyon. Isang
modelo ng Mitsubishi Lancer na kulay pula. Bagong baba ang makina at ipina-over all check-up pa.
"Anong say mo pare ko?" ani Bong.
Mas maganda ang naging ayos ng kotseng iyon kaysa dati sa tingin ni Jel. Company car iyon at si Jel ang kasalukuyang may karapatang gumamit. Halos inabot iyon ng isang isang linggo sa talyer ni Bong.
"Pare, lubos ang pasasalamat ko sa iyo," masayang sabi ni Jel.
Si Jingle naman ay naiinip na talaga. Hay naku, ano na naman kaya ang tinatalakay? Lumapit siya sa nag-uusap na magkaibigan.
"Excuse us for a while."
Binulungan ni Jingle si Jel at itinanong sa binata kung anong oras silang aalis doon.
"Ngayon na....," tugon ni Jel sa dalaga.
"Bong, kami eh magpapaalam na. May pupuntahan pa kasi kaming dalawa eh," sabi ni Jel kay Bong.
"Sige pare, next time ko na lang ipapakita sa iyo ang bago kong Pajero. Ingat kayo. Mare," sabi naman ni Bong.
Talagang may laman ang salita ni Bong, sa tono niyon ay talagang ang pagkakaalam niya ay mag- asawa ang dalawa,sina Jel at Jingle. Si Jingle naman ay hindi makaimik. Kahit masama ang loob ay pilit paring ngumiti kay Bong bilang pagpapaalam.
"Tara na," ani Jingle.
Tumango naman ang binata at ngumiti sa dalaga kasabay ng buksan niya ang pintuan ng kotse sa unahan at pinasakay niya doon ang dalaga.
Pagkabigla ang naging reaksiyon ni Jingle ng sandaling iyon. Walang-wala sa loob niya na may ginagamit na kotse si Jel kahit pahiram lamang ng kumpanya nila iyon sa kanya.
"Nice car......," ani Jingle sa binata ng nakasakay na silang dalawa sa kotseng iyon.
"Now, to Megamall! Yahoooo!" parang bata si Jel na masayang sinabi iyon ng
pinaandar na niya ang
sasakyan.