HUMAHANGOS si Atong, isa sa mga tauhan ng hacienda. Hinahanap si Don Ponceng at may ibabalita. Nakasalubong nito si Etang, isa sa mga katulong sa malaking bahay.
"Si Don Ponceng?" usisa ng lalaki.
"Nasa loob, nagbabasa ng liham," tugon naman ng katulong.
Excited na dumiretso ang tauhan sa kinaroroonan ng Don.
"Don Ponceng! Maganda pong balita. Nalaman ko na po kung saan nandoon ang Anak ninyo." Nakangisi ang lalaki. Ang buong akala niya ay makakamit na niya ang gantimpala.
Tumawa ang Don. "Ako man ay alam ko na kung nasaan siya. Heto nga at binabasa ko na ang liham niya." Nakangiti pa rin ang Don.
"Ah ganoon po ba? Sige po magpapaalam na po ako."
"Adios..."
Hinayang na hinayang ang tauhan.
Ang Don naman ay hindi magkandatuto sa pagbasa. Kaytagal kasi niyang pinanabikan ang Anak. Unang linggo na ng Disyembre ng matanggap niya ang liham, nang araw ding iyon. At ayon sa liham:
Papa,
Huwag
kayong mag-alala. Nasa mabuti akong kalagayan sa piling ni Edwin. Oo Papa, may
nagmamay-ari nang iba sa puso ko. Nagsasama na kami ngayon. Mahal ko siya at
mahal din niya ako. Sana ay maintindihan n'yo ako.
Si
Alex, hindi ko siya mahal. Alam n'yo iyon Papa, sana'y maintindihan n'yo ako.
Sa tingin n'yo ba ay liligaya ako ng sa kagustuhan n'yo lamang at hindi sa
kagustuhan ko? Mas mahal n'yo pa yata si Alex kaysa sa akin eh.
Basta
Papa! Uuwi lang ako d'yan kapag pumayag na kayo sa gusto ko. Ayokong pakasal
kay Alex at si Edwin ang mahal ko!
Raquel
Ipinabasa rin ng Don ang liham sa kanyang asawa. Sa halip na matuwa ang Doņa ay nagalit pa ito sa asawa.
"Ikaw kasi! Tingnan mo 'yang ginawa mo, napalayo tuloy ang Anak ko!" Umiiyak ang Doņa.
"Tama ka, Nagkamali ako. Bukas na bukas din ay magpapaliwanag ako kay Alex. Pasensiyahan nalang, talagang ayaw sa kanya ng Anak ko!" Nagmamalaki ang tinig ng Don. Nagalak naman ang Doņa.
"Sa lalong madaling panahon ay susunduin natin si Raquel. Kailangang makauwi na siya bago magmahal na araw."
Napainam pa ang pagsisinungaling ni Raquel sa liham dahil nagising sa katotohanan ang kanyang mga magulang. Hindi alam ni Edwin ang bagay na iyon. Pero 'di bale, pasasaan ba't doon din mauuwi ang lahat. Tutal naman ay nagkahayagan na sila ni Edwin ng damdamin.
Nang muling magkita sina Don Ponceng at Alex ay nagkahayagan din ang mga ito ng buong katotohanan na hindi maaaring maging manugang ng Don ang lalaki. Sinabi ng matanda na nag-asawa na si Raquel sa Maynila dahil iyon ang buong paniniwala ng Don. Ayaw man ni Alex ay wala siyang nagawa.
Sport naman pala si Alex. "Talagang ganoon po ang kapalaran, kung minsan ay maramot at iyon ang natapat sa akin. Sana po ay lumigaya silang dalawa."
"Ikinalulungkot ko hijo ang nangyari," anang Don at tinapik-tapik pa sa balikat ang lalaki.
"Tama lang ang pagbabakasyon ko sa Europe, doon ako magpapalipas ng kalungkutan."
Malungkot na nilisan ni Alex ang bahay na malaki sa hacienda.
Lumipas pa ang isang linggo at pinuntahan ng mga magulang ni Raquel ang address na nakalagay sa liham. Madali naman nilang natunton ang lugar dahil kabisado pala ng drayber nila.
Maaga pa noon. Si Raquel lang ang tao sa bahay pero papaalis na rin siya upang mamalengke. Ubos na kasi ang reserba nilang pagkain para sa buong linggo.
Si Edwin naman ay kaalis lang at pumasok na sa bago niyang pinagtatrabahuhan. Natanggap siya sa isang malaking kumpanya sa Quezon City. Nagyon ay nagagamit na niya ang kanyang pinag-aralan, mataas pa ang pasahod sa kanya.
Hindi akalain ni Raquel ang pagdating ng mga magulang niya. Nang makita siya ng mga ito ay agad na lumapit sa kanya at niyakap siya. Mga nakangiti ang mag-asawa.
"Mama! Papa!" Sinalubong niya at niyakap din.
"Ano na ang nangyari sa iyo? Namayat ka yata." sabi ng Don.
"Baka inaalila ka dito? Sa atin ay buhay Seņiorita ka." Ang Doņa. Nag-aalala rin.
Mahabang kuwentuhan at kumustahan. Hindi na natuloy mamalengke ang dalaga. Nag-usisa pa ang mag-asawa tungkol kay Edwin, kung anong klaseng lalaki ito. Sa kuwento ni Raquel ay na-impressed naman ang mga magulang niya.
Hanggang buong maghapon ang mag-asawa kina Edwin. Gusto kasi nilang makita ang binata bago sila umuwi. Kaya naghintay sila.
Pagdating ni Edwin ay ipinakilala ni Raquel ang mag-asawa, pagkaraan ay ang binata naman ang ipinakilala sa mga magulamg. Sa tingin ng Don at Doņa ay mabait naman si Edwin. Pero ang nahalata nila, bakit kung mag-asawa na sina Raquel at Edwin ay bakit hindi sila tinatawag ni Edwin ng Mama at Papa. Don Ponceng at Doņa Chedeng ang tawag sa kanila.
Nagtapat ng buong katotohanan si Raquel ng sitahin siya ng kanyang Papa. Inamin niya na ng gawin niya ang liham ay nagsinungaling siya. Hindi totoo na may asawa na siya.
Natuwa ang Don dahil dalaga pa pala ang Anak niya. Pero natameme ng muling magsalita si Raquel.
"Pero ngayon ay nag-iibigan na kami Papa. Sa ngayon ay wala pa akong asawa pero malapit na. Gusto naming ipaalam sa inyo ni Edwin na balak naming magpakasal na sa dadating na Hunyo," salaysay ng dalaga. "'Di ba, Edwin?"
"Oo nga po. Tama po ang sabi ni Raquel."
Nagkatinginan ang mga magulang ng dalaga. Tumango ang Doņa. Ibig sabihin ay payag siya. Sumang-ayon na rin ang Don.
"Kung ganoon eh Papa na ang itatawag mo sa akin simula ngayon, hijo, este Edwin," anang Don.
"Opo Don Ponceng. Ay, Papa pala," masayang tugon ng binata. Nagkatawanan sila.
Sa apartment na ni Edwin nagpalipas ng gabi ang mga magulang ni Raquel. Kinabukasan bago umuwi ang mga ito ay humiling sa binata't dalaga. "Doon kayo magpapasko sa probinsiya, hane?" Amuki ng Doņa.
"Eh Mama, tapos na ang December, anong pasko ba ang sinasabi n'yo?" usisa ni Raquel.
"Pasko ng pagkabuhay, Mahal na araw kung ayaw mo." Si Edwin ang tumugon kay Raquel.
Sumang-ayon si Edwin sa gusto ng mag-asawang matanda. Gusto niyang mabigyan ng kasiyahan ang mga ito, higit sa lahat ay si Raquel, ang mahal niya.
"Sige, Papa, Mama. Sa isang linggo pa lang ay paparoon na kami ni Edwin," ani Raquel.
Lumisang maligaya ang damdamin ng Don at Doņa sapagkat alam nilang natagpuan na ng Anak nila ang pag-ibig na nais nito.
Dalawang araw pa lang ang nakakalipas buhat ng dumalaw ang mga magulang ni Raquel ay may dumating na tao sa apartment nila. Maraming dalang bagahe, halatang galing sa grocery.
"Seņiorita Raquel, padala po ng Papa't Mama n'yo. At heto ang susi ng sasakyang iyon. Ipinabibigay rin po sa inyo." Isa sa mga tauhan ng hacienda ang dumating na iyon.
Tuwang-tuwa si Raquel, ganoon din naman si Edwin.
"Totoo palang milyonaryo ang mga magulang mo sabi sa akin ni Randy ng mabasa niya sa pahayagan ang panawagan nila sa iyo."
"Hindi naman," nakangiting naitugon ni Raquel.
May sulat pang iniabot sa kanila ang lalaking tauhan ng hacienda bago iyon tuluyang umalis. Agad naman nilang binasa. Ayon sa liham:
Edwin & Myra,
Niinip
na kami dito, dalian n'yo ang pagparito. At saka bilisan n'yo ang paggawa sa
Apo namin!!!
Mama
Nagkangitian ang dalawa, nagkatitigan.
"Oh, paano 'yan? Bilisan daw natin ang paggawa ng Apo nila," nakangising sabi ni Edwin.
"Naku, hindi ko gusto 'yang nasa isip mo," sabi ni Raquel.
Pero bago pa siya makapalag ay napangko na siya ni Edwin at papunta na sila sa kuwarto.
"Ikaw talaga, ha. Pilyo ka." Gusto rin naman ni Raquel, pakipot lang naman niya iyon, eh.
Nang makapasok na ang dalawa sa loob ng kuwarto ay agad na ini-lock ni Edwin ang pinto.
Ops! Ops! Hanggang dito na lang ang kuwento. Huwag na nating istorbohin pa ang dalawa dahil gagawa na sila ng Apo. Dahil ang sabi ng Mama ni Raquel ay bilisan!
Hayaan
nating matupad ang mga pangarap ng mga pusong nagmamahalan. Huwag nating
hahadlangan.......