joeytaruc
home

 

My circle of friends

First barkada ko sina Roy "Allan" Tolentino, Romualdo "Badjo"Venturina, John Maverick "Erik"Veneracion, Roberto "Salvage" Salvador and Wilbert "Jovet" Balones. We're all from the province of Bulacan. They are my true brother. Kilala kami ng mga parents namin. Basta sabihin lang namin na kami magkakasama, oks na sa parents namin yun. Walang naninigarilyo sa min, occasional drinker lang. Yun nga lang pilyo sa chicks lalo na si Badjo. Saka daw ako hehehe :)

Ganda nga ng kwento namin kung pano kami nagkakilalang anim eh. Si Erik, classmate kami buong elementary grades. Si Salvage, since elementary, kilala ko na. Magkalapit barangay lang kami. Saka classmates sila ng pinsan ko the whole elementary grades. Section D sila ni Allan nung 1st year High School. Sa Section E ako pumasok since di ko makita name ko sa list of students sa bullettin board. Dun ko na kilala si Badjo, magkatabi kasi kami sa upuan. Nung roll call na, wala name ko sa list ng section nila. Tinulungan niya kong hanapin sa ibang section, andun nga pala sa D. They called it section Dimonyo, puro bugok daw students eh. Gusto kong section nun is B, kasi yun ang level ko eh not in A nor in C.

So I study hard. Katabi ko si Allan since pareho kaming "T". Tabi na rin lagi si Salvage sa amin... para mangopya hehehe. Nung next school year, qualified na kami ni Allan sa section A. Naawa naman kami kay Salvage kasi wala na siyang kokopyahan hehehe.

Nagpang-abot kami ni Badjo sa section A, matalino rin pala ang bugok. Tapos nagkakwentuhan sila ni Allan, magkamag-anak pala sila. Si Erik pinakamatalino sa min (daw hehehe). Siya lang kasi nasa section A from 1st year to 4th year. Magkatabi naman sa chair sina Erik and Badjo dahil pareho silang "V". So tabi kaming apat nina Allan, Erik and Badjo. Kulang pa daw students sa II-A dahil nagbawas ng mga bopol. Naisip namin si Salvage, kaso medyo bopol din hehehe. Pero oks lang dahil madami na kaming magpapakopya sa kanya. So nahila namin sa A. Si Jovet ang pinakamalayo dahil "B", so sa una siya nakaupo. Laging pinagtitripan ng mga katabi dahil mukhang utuin at iyakin. Baba-lones daw. Haba-baba kasi eh hehehe.

Sa grupo namin nakisama. Gusto ring maging feeling pogi ng luko. Siya lagi ang inuuto ni Badjo dahil sa pinakabata sa amin. Ginagawang tagabigay ng love letters sa mga chicks. Kaya nga pala natapon din sa likod ng classroom si Jovet eh may ginawang kalokohan sila ni Badjo. Yung sulat na pinaabot sa kanya ni Badjo para sa isang classmate namin na babae eh may nakasulat na "Paiyot" Yari sila sa Titser namin. Piningot silang dalawa sa tenga ni Badjo.

Silang lima yung itinuring kong mga kapatid sa buong buhay ko. Sa hirap at ginhawa. Pera ng lahat ang pera ng isa. Sagot ng lahat ang sagot ng isa pag exam. Absent lahat pag absent ang isa (nakikitulog kasi kami sa karinderya pag tanghali). Pag inaway ang isa, kaaway kami lahat. Pag nagkasyota ang isa, syota nya lang yun, kayo talaga hehehe.

Kahit nagkahiwa-hiwalay na kami after high school at nagkaroon ng kanya-kanyang panibagong buhay eh nagkikita-kita pa rin kami. Fiesta. Birthday. Undas. Mahal na Araw. Pasko. Bakasyon. Depende kung kaninong bahay namin ang venue. Yung pagtanggap sa amin ng mga magu-magulang namin eh parang anak na rin nila kami. Kasi ni minsan wala kaming sakit ng ulong idinulot sa kanila. Kami yung barkada ng mga lalake na paborito ng mga guro at mag-aaral nung High School. 3 opisyal ng C.M.T. at 3 opisyal ng B.S.P. President ako ng Boy Scout of the Philippines nun saka Sgt. At Arms ako ng student council. High school days is my heydays in my life. Pagpasok ko pa lang sa gate every morning, lahat ng masalubong ko na boy scout from first year to 4rth year, sumasaludo sa akin. Kaya ingat ako na mapintasan nun. Hayun, nung graduation day na in my fourth year, may natanggap akong tropeyo bilang most outstanding scout of the year. Kaya naging pilosopiya ko sa buhay eh "UNITE ALL MEN" dahil sa scouting, kung kilala nyo si Lord Baden Powell, alam nyo na ibig kong sabihin.

Lahat kami ay may kani-kaniyang pamilya na bukod na lang kay Allan. Susmaryosep kasing Allan yan. may duda kasi kaming binabae hehehe. Sobrang guwapo kasi, mala-Aga Muhlach hitsura niya. Nursing grad pa.

Magpinsan din pala sila ni Salvage, third degree. Nagkatuntunan lang nung samahan kami ng tito ni Salvage na ihatid si Allan sa kanila, nagkausap Father ni Allan at uncle ni Salvage. Napangasawa nga pala ni Badjo yung first cousin ko. Si Jovet naman, napangasawa yung second cousin ko.

Next plan namin is i-organize ang first reunion namin batch '90 sa Maginao Cruz na Daan High School, San Rafael, Bulacan.


  "I'll call for pen and ink, and write my mind."
  -William Shakespeare (1564-1616)

.

 

MY CIRCLE OF FRIENDS

RINGTONES

LOGOS

TEXT MESSAGES

WALLPAPERS

SCREENSAVERS

SONG LYRICS

TRIVIA

PHOTO GALLERY

CELEBRITIES

 


 

 

my life my career my portfolio my
			community