My
circle of friends
First
barkada ko sina Roy "Allan" Tolentino, Romualdo "Badjo"Venturina,
John Maverick "Erik"Veneracion, Roberto "Salvage"
Salvador and Wilbert "Jovet" Balones. We're all from
the province of Bulacan. They are my true brother. Kilala kami
ng mga parents namin. Basta sabihin lang namin na kami magkakasama,
oks na sa parents namin yun. Walang naninigarilyo sa min, occasional
drinker lang. Yun nga lang pilyo sa chicks lalo na si Badjo. Saka
daw ako hehehe :)
Ganda
nga ng kwento namin kung pano kami nagkakilalang anim eh. Si Erik,
classmate kami buong elementary grades. Si Salvage, since elementary,
kilala ko na. Magkalapit barangay lang kami. Saka classmates sila
ng pinsan ko the whole elementary grades. Section D sila ni Allan
nung 1st year High School. Sa Section E ako pumasok since di ko
makita name ko sa list of students sa bullettin board. Dun ko
na kilala si Badjo, magkatabi kasi kami sa upuan. Nung roll call
na, wala name ko sa list ng section nila. Tinulungan niya kong
hanapin sa ibang section, andun nga pala sa D. They called it
section Dimonyo, puro bugok daw students eh. Gusto kong section
nun is B, kasi yun ang level ko eh not in A nor in C.
So
I study hard. Katabi ko si Allan since pareho kaming "T".
Tabi na rin lagi si Salvage sa amin... para mangopya hehehe. Nung
next school year, qualified na kami ni Allan sa section A. Naawa
naman kami kay Salvage kasi wala na siyang kokopyahan hehehe.
Nagpang-abot
kami ni Badjo sa section A, matalino rin pala ang bugok. Tapos
nagkakwentuhan sila ni Allan, magkamag-anak pala sila. Si Erik
pinakamatalino sa min (daw hehehe). Siya lang kasi nasa section
A from 1st year to 4th year. Magkatabi naman sa chair sina Erik
and Badjo dahil pareho silang "V". So tabi kaming apat
nina Allan, Erik and Badjo. Kulang pa daw students sa II-A dahil
nagbawas ng mga bopol. Naisip namin si Salvage, kaso medyo bopol
din hehehe. Pero oks lang dahil madami na kaming magpapakopya
sa kanya. So nahila namin sa A. Si Jovet ang pinakamalayo dahil
"B", so sa una siya nakaupo. Laging pinagtitripan ng
mga katabi dahil mukhang utuin at iyakin. Baba-lones daw. Haba-baba
kasi eh hehehe.
Sa
grupo namin nakisama. Gusto ring maging feeling pogi ng luko.
Siya lagi ang inuuto ni Badjo dahil sa pinakabata sa amin. Ginagawang
tagabigay ng love letters sa mga chicks. Kaya nga pala natapon
din sa likod ng classroom si Jovet eh may ginawang kalokohan sila
ni Badjo. Yung sulat na pinaabot sa kanya ni Badjo para sa isang
classmate namin na babae eh may nakasulat na "Paiyot"
Yari sila sa Titser namin. Piningot silang dalawa sa tenga ni
Badjo.
Silang
lima yung itinuring kong mga kapatid sa buong buhay ko. Sa hirap
at ginhawa. Pera ng lahat ang pera ng isa. Sagot ng lahat ang
sagot ng isa pag exam. Absent lahat pag absent ang isa (nakikitulog
kasi kami sa karinderya pag tanghali). Pag inaway ang isa, kaaway
kami lahat. Pag nagkasyota ang isa, syota nya lang yun, kayo talaga
hehehe.
Kahit
nagkahiwa-hiwalay na kami after high school at nagkaroon ng kanya-kanyang
panibagong buhay eh nagkikita-kita pa rin kami. Fiesta. Birthday.
Undas. Mahal na Araw. Pasko. Bakasyon. Depende kung kaninong bahay
namin ang venue. Yung pagtanggap sa amin ng mga magu-magulang
namin eh parang anak na rin nila kami. Kasi ni minsan wala kaming
sakit ng ulong idinulot sa kanila. Kami yung barkada ng mga lalake
na paborito ng mga guro at mag-aaral nung High School. 3 opisyal
ng C.M.T. at 3 opisyal ng B.S.P. President ako ng Boy Scout of
the Philippines nun saka Sgt. At Arms ako ng student council.
High school days is my heydays in my life. Pagpasok ko pa lang
sa gate every morning, lahat ng masalubong ko na boy scout from
first year to 4rth year, sumasaludo sa akin. Kaya ingat ako na
mapintasan nun. Hayun, nung graduation day na in my fourth year,
may natanggap akong tropeyo bilang most outstanding scout of the
year. Kaya naging pilosopiya ko sa buhay eh "UNITE ALL MEN"
dahil sa scouting, kung kilala nyo si Lord Baden Powell, alam
nyo na ibig kong sabihin.
Lahat
kami ay may kani-kaniyang pamilya na bukod na lang kay Allan.
Susmaryosep kasing Allan yan. may duda kasi kaming binabae hehehe.
Sobrang guwapo kasi, mala-Aga Muhlach hitsura niya. Nursing grad
pa.
Magpinsan
din pala sila ni Salvage, third degree. Nagkatuntunan lang nung
samahan kami ng tito ni Salvage na ihatid si Allan sa kanila,
nagkausap Father ni Allan at uncle ni Salvage. Napangasawa nga
pala ni Badjo yung first cousin ko. Si Jovet naman, napangasawa
yung second cousin ko.
Next
plan namin is i-organize ang first reunion namin batch '90 sa
Maginao Cruz na Daan High School, San Rafael, Bulacan.
"I'll call for pen and
ink, and write my mind."
-William Shakespeare (1564-1616)
|